‘Nasasaktan kami’: Mga empleyado ng PhilHealth umalma sa akusasyong lahat sila ay ‘magnanakaw’

Screenshot ng video ng ABS-CBN Teleradyo
  • Pumalag ang mga empleyado sa akusasyong lahat sila ay sangkot sa kurapsyon
  • Marami din daw sa kanila ang matapat at nagtatrabho nang maayos lalo na sa hanay ng rank-and-file
  • Sang-ayon din ang grupo na mag-leave muna sa trabaho ang mga opisyal na sangkot

Inalmahan ng grupo ng mga empleyado ng PhilHealth ang diumano’y ‘sweeping accusations’ laban sa kanila na silang lahat na nagtatrabaho sa ahensiya ay sangkot sa kurapsyon.

Inilabas ng grupong Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (WHITE) ang kanilang sama ng loob sa ginanap na online press conference nitong Miyerkules.

Fe Francisco, WHITE president/ Screenshot ng Twitter ni Michael Delizo

“Nasasaktan lang kami sa mga sweeping accusations. Kasi kami, nagmo-monitor din kami sa investigations from the Senate and Congress. Actually, we are hurt, especially the honest and hardworking rank-and-file employees,” ayon kay Fe Francisco, presidente ng WHITE; isang grupo ng mga rank-and-file na empleyado sa PhilHealth.

Hindi raw tama na kondenahin silang lahat bilang mga kurakot at incompetent.

“Nasasaktan kami kasi masyadong sweeping statements — laging mga magnanakaw ang mga empleyado ng PhilHealth. Karamihan po ay tapat na naglilingkod sa publiko,” wika ni Francisco.

Sang-ayon naman ang grupo na kailangang mag-leave muna sa kanilang trabaho ang mga opisyal na nasasangkot sa kontrobersiya.

Imahe mula sa Philhealth

“Naririnig natin nagagalit ang mga mamamayan at kami ang sumasalo sa galit ng mga mamamayan, kami ang apektado, kami ang nasa frontline. So, we are really demoralized. We are also hurt. But despite all these, we continue to serve,” patuloy pa ni Francisco.

Hiniling din ng WHITE sa Palasyo na magtalaga muna pansamantala ng caretaker na walang bahid ng katiwalian, may integridad at may kakayahang pamunuan ang Philhealth sa gitna ng hinaharap nitong imbestigasyon kaugnay sa diumano’y anomalya sa loob.

Umaasa rin ang grupo na matapos na ang imbestigasyon upang mapanagot kung sino man ang mga nasa likod ng mga iregularidad at nang maka-move on na rin sila.

Loading…