National Bookstore itinanggi ang balitang isasara ang mga branches nito sa mga malls

Imahe mula sa National Bookstore Facebook page
  • Itinanggi ng National Bookstore ang kumalat na balitang isasara ang mga branches nito sa mga malls
  • Nilinaw nito na may ilang mahinang branch na pinag-aaralan kung kailangang isara o magbawas ng empleyado, ngunit ang karamihan ay mananatiling bukas sa publiko
  • Pinalalakas din ng NBS ang kanilang online platform upang ligtas na makapag-shopping ang kanilang customers sa gitna pandemya

Naglabas ng statement ang National Bookstore (NBS) upang pasinungalingan ang kumalat na balitang isasara na nito ang lahat ng branches sa loob ng mga shopping malls at gagawing online na lang ang kanilang pagnenegosyo.

Imahe mula sa National Bookstore Facebook page

“National Book Store strongly denies social media post claiming ‘NBS closing stores in expensive malls. Only stand-alone shall stay. Going online.’ National Book Store would like to assure all our partners and customers that this story is not true. Despite the significant challenges posed by the COVID-19 pandemic, National Book Store is working tirelessly to adapt to the difficulties posed by the current situation and continue providing every Laking National with books and supplies,” ayon sa pahayag ng NBS.

Nilinaw nito na bagama’t may ilang “non-performing locations” na kanilang tinitimbang kung isasarado o magbabawas ng empleyado, ang vast majority ng NBS branches, kung saan ipinatutupad ang health protocols upang matiyak ang kaligtasan ng mga parukyano at empleyado, ay mananatiling bukas sa publiko.

Imahe mula sa National Bookstore Facebook page

“While a small number of non-performing locations may be evaluated for closure or downsizing as part of our normal course of business, the vast majority of stores nationwide will remain open to serve your homeschooling, distance learning, and work from home needs, with stringent protocols in place to ensure your safety,”,” saad pa ng NBS statement.

Pinalalakas umano ng kumpanya ang kanilang online platform upang ligtas na makapag-shopping ang kanilang customers sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kabilang ditto ang Text to Order via SMS or Viber at ang Chat to Shop sa Facebook Messenger.

Imahe mula sa National Bookstore Facebook page

 

Loading…