Netizen gumawa ng meme ng alagang pusa

  • Ginawan ng meme ng isang cat lover ang kaniyang alagang pusa
  • Sa larawan, kunwari ay pinagsalita niya ang tila “nanunumbat” na si Alexei
  • Marami naman sa mga netizens ang naka-relate much dito

Bukod sa mga pet dogs, isa sa mga paboritong alagaang domestic animals ang mga pusa o cats. Bukod sa napakalambing nila, maaasahan din sila sa pagpuksa sa mga “peste” kagaya ng mga daga at bubwit na namiminsala sa mga damit o iba pang mga gamit. Ingat-ingat lang, lalo na kapag isda ang ulam, dahil baka makalingat ka lamang, wala na ang pritong isda at natangay na.

Sa labis na katuwaan at pagkagiliw sa kaniyang alagang pusa na si “Alexei,” ginawan ito ng meme ng kaniyang among si “Allana Cangson” na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post. Sa larawan, kunwari ay pinagsalita niya ang tila “nanunumbat” na alagang pusa, na relate-much naman ang mga cat lovers.

Imahe mula sa Facebook account ni Allana Cangson / Public Domain Image

“Bakit parang kasalanan ko? Nananahimik ako tapos bigla mong hahawakan ang tiyan ko. Tapos kapag kinagat kita, magagalit ka sa akin?” ayon umano sa alagang pusa. Madalas nga naman, kapag hinaharot at nilalaro ang mga alagang pusa, madalas na pinupuntirya at kinikiliti ang tiyan ng mga ito.

Dagdag pa, “Kapag ikaw nanggigigil sa akin, okay lang. Pero kapag ako bawal mangagat. Nasaan ang hustisya? Nasaan ang twuna at catnwip? Buti sana kung bawat hawak sa tiyan ko ay may kapalit na foods.”

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento.

“Oo nga naman. Minsan kasi ang unfair nating mga tao sa mga alaga nating hayop. Madalas natin silang pinanggigigilan, pero tayo ba nagaganoon nila? Hahahaha. This meme reminded me of my former cat na nasagasaan ng kotse huhuhu,” pagbabahagi ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Yung pusa ko kabaligtaran naman. Gustong-gusto niyang hinihimas ang tiyan niya, tapos nakakatulog. Tapos natutulog pa siya sa tiyan ko rin. Magugulat na lang ako paggising ko may nakadagan sa tiyan ko, alam ko na yun, na siya.”

“Ang mga pusa ay biyaya ng Diyos sa atin. Actually lahat naman ng mga hayop, kaya alagaan natin sila!”turan naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, guilty ka ba rito?

Source :

Facebook

Loading…