Netizen ibinahagi ang naranasang modus sa online banking

  • Ibinahagi ng isang online bank user ang naranasang modus
  • Sa isang iglap lamang ay nawala ang perang pinaghirapan nila ng kaniyang asawa
  • Nagbigay siya ng babala sa lahat na mas maging maingat sa mga transaksyong ginagawa online

Kaakibat ng “Bagong Normal” ang higit na pagsigla ng mga transaksyong ginagawa online: magmula sa online shopping, online class, work-from-home, at online banking. Kasabay nito, umaariba rin ang mga kawatan sa mga online banking.

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang “Vita Llanzana” sa kaniyang Facebook post ang naranasang modus sa online banking ng isang bangko, na inakala niyang may magandang security pagdating sa online banking.

Imahe mula sa Facebook account ni Vita Llanzana

“UNION BANK CARD HOLDERS PLEASE BE WARNED. Di ko akalain mangyayari sa amin ‘to. Nakuhaan kami ng pera galing sa Union Bank,” paniwala ng netizen sa kaniyang post.

Salaysay niya, “Naka-receive ako ng text galing sa Union Bank na may suspicious activity sa account ko (which is the same number na ginagamit nila para i-notify ako sa transactions at OTP, syempre, nagtiwala ako sa text na iyon and I clicked on the link.”

Sa pagpapatuloy, “It then opened a site na mukang legit Union Bank, dahil sa taranta ko na baka matuloy yung suspicious activity , inenter ko agad yung OTP na sinend sa akin. And then, nag-text ulit na inaccess ang account ko in IOS (android user ako) wala pang 1 minute nag-notify na naman na nag-transfer ako ng pera to a certain Mark Perez.”

“Ganun lang. Walang kahirap-hirap na nakuha yung pinaghirapang pera ng asawa ko. Nakakabahala na nagagamit nila yung number mismo ng Union Bank to send texts like these. Gusto ko na lang itago sa baul lahat ng pera namin na nasa card. Parang wala nang safe na bangko ngayon. Nakakatakot,” ayon sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Vita Llanzana

Kaya naman, nag-iwan siya ng paalala sa publiko.

“LESSON LEARNED, kapag may natanggap na ganitong text, and may link sa bank nila, NEVER click on the link kahit galing pa sa mismong bank yung text. Always check kung secured yung site, iyon ang hindi ko ginawa. Hay, nakakapanlumo.”

Samantala, nakarating na ito sa kaalaman ng nasabing bangko at nilinaw nila na wala silang kinalaman sa mga modus operandi na ito, at biktima lamang din sila.

Pinaaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga gumagamit ng online banking at ibang mga online transactions, na huwag basta-basta magbigay ng mga personal na detalye sa kahit na sino, lalo na ang OTP o One-Time-Pin na ginagamit para sa mga online banking transactions.

 

Source :

Facebook

Loading…