Netizen ipinagtanggol ang mga degree holders na nag-online selling ngayong pandemya

  • May pinag-aralan man o wala, walang karapatan ang sino man upang hamakin ang kaniyang kapwa
  • Iyan ang paalala ng isang netizen na tinawag ang sariling “tagapagtanggol ng mga inalipusta ng mga tax evaders”
  • Paalala niya, marangal ang online selling kaya walang dapat ikahiya rito

Walang masama sa online selling lalo na kung hindi naman nananamantala ng kaniyang kapwa. Ito kasi ang naging paraan ng marami, lalo na ang mga nawalan ng trabaho, upang maagpangan ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Kahit ang mga degree holders o nakatapos ng pag-aaral ay hindi nakaligtas dito.

Kaya naman, ipinagtanggol ng isang netizen na may Facebook name na “Rek Rek Santos Nieto” sa kaniyang Facebook post ang mga kapwa degree holders na pinasok na rin ang online selling, at nakatatanggap ng pagpula sa iba, na bakit sila nagtitinda o nagbebenta kung may mga “tinapos” o diploma naman sila sa kolehiyo.

Imahe mula sa Facebook account ni Rek Rek Santos Nieto

“Hindi kasalanan ng degree holders kung nawalan sila ng trabaho ngayong may pandemya. Ikaw na hindi naman graduate at ngayon lang kumita dahil overpriced ka pa, akala mo kung anong sipag mo para sabihan na Hindi baleng walang diploma basta madiskarte,” ayon sa kaniyang trending na post.

Sa isang hiwalay na post, ipinaliwanag niyang wala naman siyang masamang intensyon sa kaniyang sinabi. Ang punto niya: may pinag-aralan man o wala, may diploma man o hindi nakatuntong ng paaralan, walang karapatan ang sinoman para yapak-yapakan o bastusin ang kaniyang kapwa.

“Disclaimer: Walang masamang intensyon ang post na ito. wala ring layuning yurakan o siraan ang pagkatao ng iba. Para lamang ito sa mga mapang-abuso lalo sa panahon ng pandemya. Dagdag pa rito, my pinag-aralan man o wala. May diploma man o wala, basta tama ang ginagawa, at walang naaargabyadong tao, walang dapat ipangamba.”

“P.S. I came from a poor family. Hindi madali ang pumasok at magtapos ng pag-aaral na halos wala kang baon. Never kong minaliit ang mga taong hindi nakapag-aral,” dagdag pa niya.

Public Domain Image

Panghuli, “P.S.S. Sa mga ang intindi ay minamaliit ko ang mga online seller, ito lang po ang masasabi ko. Order kayo sa akin dahil ONLINE SELLER din ako. Thanks. Stay fresh everyone. Tandaan, ang mabuting tao ay ang may malinis na puso.”

Kung alam mo namang marangal ang ginagawa mo, hindi mo dapat intindihin ang sinasabing paninira mula sa iba! Go lang, kapatid!

Source :

Facebook

Loading…