Netizen may open letter kay Maris Racal; ipinaliwanag ang tungkulin ng tatlong sangay ng pamahalaan

  • May open letter ang isang netizen kay Maris Racal
  • Reaksyon niya ito sa Twitter post ng aktres hinggil sa pagbanggit ni Pangulong Duterte sa muling panunumbalik ng parusang kamatayan
  • Tinalakay ng netizen ang tatlong sangay ng pamahalaan na may magkakaibang gampanin

Matagal nang itinuturo ng mga guro ng Araling Panlipunan sa elementarya at hayskul ang tungkol sa pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan, lalo na sa demokratikong bansa gaya ng Pilipinas: ito ay ang Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura na may magkakaibang gampanin at tungkulin sa isang estado.

Iyan ang ipinaliwanag ng isang netizen na nagngangalang “Tio Moreno” sa kaniyang Facebook post na nagsilbing bukas na liham para sa Kapamilya actress na si Maris Racal, matapos ang kontrobersiyal nitong Twitter post hinggil sa pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ipanumbalik ang parusang kamatayan, noong SONA.

Imahe mula sa Twitter account ni Maris Racal

“Hello Maris Racal, I just wanna let you know that when I was in the 4th Grade, my Heograpiya Kasaysayan at Sibika (HEKASI) teacher already taught me about the 3 branches of the Philippine government. These are: Executive, Legislative, and Judiciary,” panimula ng kaniyang post.

Inisa-isa ng netizen ang mga kasapi sa bawat sangay ng pamahalaan. Ang Executive branc ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. May kalayaan umano ang Pangulo upang mamili ng mga mauupo at makakasama sa kaniyang gabinete.

Ang Legislative branch naman daw ay binubuo ng Mataas na Kapulungan o Senado at Mababang Kapulungan o Kongreso. Sila raw ang bahalang magpanukala o gumawa ng mga batas na ipatutupad para sa lahat.

Nasa Judiciary branch naman ang Korte Suprema at iba pang mga hukuman na siyang humuhusga kung may paglabag sa batas. Samakatuwid, iba-iba raw ang kanilang mga tuon, upang ang pamahalaan ay makapag-multitask.

“Cases in point: COVID-19 is handled by the Executive. ABS-CBN franchise renewal is handled by the Legislative. Maria Ressa’s Cyber libel case is handled by the Judiciary.  These all happened in the middle of pandemic. And I don’t know why you put all the blame to the President,” saad niya.

Public Domain Image

Sa kaniyang pagpapatuloy, “Just because there is corona virus doesn’t mean they need to stop with their functions. If we will follow your idea, then you are saying that we should not jail violators, we should not sanction terrorists, we shouldn’t allow lawbreakers to be held accountable on their mishaps because we need to focus on COVID-19.

Sa huli, nagbigay siya ng patutsada sa aktres.

“A graduate from PBB house can’t do this and I am pretty much sure you’re not aware of that. Maris, I was in the 4th grade when I learned how the government works. How I wish we were classmates back then so I can give you free tutorials. Mag aral ka please, dami mo ng pera…”

Samantala, wala namang reaksyon at komento rito si Maris, bagama’t may isang Twitter post siya nitong Agosto 2, 2020 na nagpapakita ng kaniyang video at may caption na “Me as a branch.”

Loading…