Netizen sa mga riders na magkayakap: “Pakibalik na lang ang barriers”

  • Napahugot ang isang netizen sa naispatang larawan ng couple na magkaangkas sa motorsiklo
  • Todo kasi ang pagyakap ng babaeng nakaangkas sa rider o nagpapatakbo ng sasakyan
  • Naihiling niyang ibalik na lamang daw ang paggamit ng motorcycle barrier dahil ayaw niya nang yakapan

Naging mainit na usapin noong panahon ng MECQ o “Modified Enhanced Community Quarantine” ang atas ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año na papayagan lamang ang back-riding o pag-angkas sa motorsiklo kapag ang magkaangkas ay nakatira sa iisang bubong, at may nakapagitan na “motorcycle barriers” sa kanila.

Sa muling panunumbalik ng sitwasyon sa “General Community Quarantine” o GCQ, unti-unti na ring lumuwag ang guidelines hinggil dito. Kaya naman, hindi napigilan ng isang netizen na nagngangalang “Joaquin Guzman” sa kaniyang Facebook post na sana raw ay ibalik na lamang ang motorcycle barriers lalo na’t naispatan niya ang isang magkaangkas na couple. Makikita kasing nakatodo-yakap ang nakaangkas na babae sa rider ng motor.

Imahe mula sa Facebook account ni Joaquin Guzmanmot

“Pakibalik yung barrier, ayoko may nagyayakapan,” pabirong caption ng kaniyang post.

Natawa naman ang mga netizens at nagbigay ng kanilang komento at reaksyon hinggil dito.

“Hahaha sweet naman nila! Pakitulak nga ang mga iyan para matauhan, hahaha, joke lang… maging masaya na lamang tayo para sa kanila. Baka ngayon na lang sila nagkita after ng iba’t ibang classification ng community quarantine hehehe,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Masyadong malambing sa isa’t isa… baka maaksidente po kayo niyan hahaha, biro lang po. Spread love na lang guys!”

“Pakitambangan na nga po hahaha,” pabirong banat naman ng isa.

Sa kasalukuyan, pinapayagan na ang back-riding lalo na kung maituturing na essential worker o frontliner ang ihahatid, dahil hanggang ngayon ay madalang o limitado pa rin ang pagbiyahe ng mga pampasaherong jeepneys na isa sa mga pangunahing daluyan ng transportasyon sa bansa.

Public Domain Image

Kaugnay naman ng paggamit ng motorcycle barriers, marami ang umalma rito dahil na rin sa maaari raw maaksidente ang sinumang gagamit nito, bagay na kinontra naman ni DILG Secretary Año at sinabihan pa ang mga motorcycle analyst na pagdating sa COVID-19, huwag silang magmarunong.

Loading…