Nurse na may COVID pinalayas sa boarding house; nagpagala-gala muna sa Makati bago nasagip ng Red Cross

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
  • Nurse na nagka-COVID pinalayas sa kaniyang boarding house sa Makati
  • Napilitang magpagala-gala ang nurse habang naghahanap ng tutulong sa kaniya
  • Mabuti na lamang aT nasagip siya ng Philippine Red Cross sa tulong ng isang kaibigan

Ang nakalulungkot na kuwento ng isang nurse na pinalayas sa kaniyang tinitirahan matapos magpositibo sa COVID-19 ay isang patunay na umiiral pa rin ang diskrimInasyon laban sa ating mga frontliners.

Kuwento ni ‘Gem’ sa ulat ng ABS-CBN News, nagtatrabaho siya bilang customer care representative nurse sa isang pribadong clinic na nasa pamamahala ng isang kilalang health care provider.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Matapos umano magpositibo sa coronavirus, ipinaalam niya ang kaniyang sitwasyon sa kaniyang landlady. Dito raw ay sinabihan siyang kailangan niyang umalis at umuwi sa kanilang probinsiya sa Batangas.

Binigyan umano siya ng palugit ng landlady bago mag-umaga nang araw na iyon para umalis sa boarding house.

“Ang sabi po sa’kin sa text, hanggat maaari, bago mag-umaga ay wala ka na rito,” kuwento ni ‘Gem’.

Bagama’t nag-aalala, wala rin daw magawa Ang kaniyang pamilya sa Batangas dahil kailangan niyang magnegatibo muna sa virus bago papayagang makapasok ng lalawigan.

Gabi na nang magpasiyang umalis si ‘Gem’ sa boarding house at sinubukang maghanap ng pansamantalang matutuluyan sa Makati . Subalit wala itong makita kaya napadpad siya sa Pasay kung saan siya nagcheck-in sa isang hotel.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Pagod, desperado at nanlulumo sa kaniyang kalagayan, sinubukan niya ring pumunta sa barangay health center ng Olympia, Makati subalit sarado rin daw ito.

“Nung pumunta po ako, ang sabi sa ‘kin, sarado raw ang barangay health center… Ang sabi po sa ‘kin, ‘Sinasabi ko sa’yo, di ka matutulungan dito.’ May binigay sa ‘kin na contact number. Landline po, kaya di ko po ma-contact,” kuwento ng nurse.

Mabuti na lamang at may kaibigang nagrefer kay Gem sa Red Cross para siya sagipin.

Natagpuan ng mga kinatawang ng Red Cross ang nurse na nakaupo sa isang bangketa sa may Southville Makati kanto ng J.P. Rizal St. Sa kasalukuyan ay nasa isolation facility na siya ng Quezon Institue dahil sa tulong na rin Ng Red Cross.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Samantala, hindi makapaniwala si Red Cross chairman at Senador Richard Gordon sa sinapit ni ‘Gem’.

“Ito ay storya ng discrimination. ‘Wag n’yong gagawing ito sa kapwa natin Pilipino… Lahat ng tao, dapat tinutulungan natin,” wika ng senador,

Tunghayan ang kuwento ni Gem sa video ng ABS-CBN TeleRadyo:

Loading…