Online concert para kay Sen. Leila De Lima: “Leilaya: Tinig at Musika para sa Diwang Malaya”

Imahe mula sa Facebook page ng Free Leila De Lima Movement
  • Mga supporters nagsagawa ng online concert para kay Sen. Leila De Lima
  • Ang concert ay bilang pagbubunyi sa ika-61 niyang kaarawan at panawagan na rin sa kanyang paglaya
  • Apat na taon nang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa loob ng Camp Crame Custodial Center si Sen. De Lima

Nagsagawa ng online concert ang mga taga-suporta ni Senator Leila De Lima upang ipagbunyi ang kanyang ika-61 kaarawan noong Huwebes, August 27, at upang ipanawagan na rin sa mga awtoridad ang kanyang paglaya.

Screenshot mula sa Leilaya video

Ang konsyerto na inabot ng mahigit tatlong oras ay ginawa sa pamamagitan ng livestreaming sa Facebook page ng Free Leila De Lima Movement. Tinawag itong “Leilaya: Tinig at Musika para sa Diwang Malaya.”

Kabilang sa mga nagtanghal ang ilan sa mga popular na music artists ng bansa na sina Noel Cabangon, Cookie Chue, Bayang Barrios, Jim Paredes, Buboy Garovillo, Leah Navarro, Bituin Escalante, Ebe Dancel at Agot Isidro.

Nakiisa rin ang ilang sikat na artista kabilang si Angel Locsin, Angel Aquino, Enchong Dee, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Pinky Amador, Ria Atayde at Michael De Mesa. Nagbigay naman ng mensahe para sa senadora ang mga religious leaders kabilang sina Bishop Broderick Pabillo, Archbishop Soc Villegas at ilang mga madre.

Screenshot mula sa Leilaya video

Pinangunahan naman ni Vice President Leni Robredo ang mga politikong bumati sa kaarawan ng senadora.

“We stand on the side of freedom and dignity of courage and resolve. We owe to you, Senator Leila de Lima, and the countless others who have experienced injustice, who have been murd*red, have passed, who are going hungry due to incompetence and neglect. Kaya sa’yo po, Sen. Leila, nandito po kami, hindi ka nag-iisa. We carry on your fight at kabilang ang katarungan at kalayaan para sa’yo sa mga pangunahin naming isinusulong, kapit lang po,” ani VP Robredo.

Screenshot mula sa Leilaya video

Nagpasalamat naman si Sen. De Lima sa mga bumati at naniniwalang inosente siya.

“This event is not about me but about our shared desire to fight for freedom under this vindictive regime. Despite my unjust detention, I keep a grateful spirit knowing that so many are in solidarity with my causes, believing in my innocence. Together, we can overcome the oppression,” saad ng senadora sa isang handwritten statement.

Ang senadora ay apat na taon nang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa loob ng Camp Crame Custodial Center.

Screenshot mula sa Leilaya video
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…