Operasyon ng public transportation suspendido sa MECQ areas

Imahe mula sa DOTr
  • Metro Manila at apat na kalapit-probinsya muling ibinalik sa mas mahigpit na MECQ
  • Suspendido ang operasyon ng public transportation sa MECQ areas
  • Mahigpit muling ipatutupad ang paggamit ng quarantine pass sa mga MECQ areas

Simula sa Martes, ika-4 ng Agosto hanggang ika-18 ng Agosto ay pansamantalang hindi papayagan ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ang MECQ ay muling ipinairal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan bilang tugon sa panawagan ng mga health care frontliners na magpatupad ng mahigpit na community quarantine upang magkaroon sila ng pagkakataong makapagpahinga at makapag-adjust ng kanilang estratehiya laban sa COVID-19. Ang apela nila ay ECQ sa loob ng dalawang linggo.

Ayon sa Department of Transportation, hindi muna maaaring bumiyahe ang mga rail transportation  kabilang ang Philippine National Railways; Light Rail Transit Line 1 at Line 2; at Metro Rail Transit Line 3. Bawal din ang bus, jeepney, taxi, tricycle at transport network vehicle service.

Ang public shuttle bus lang ang papayagan para masakyan ng mga frontliners at mga manggagawa sa mga industriyang pinapayagan sa ilalim ng MECQ.

Maaari namang bumiyahe ang mga pribadong sasakyan tulad ng company shuttle, personal vehicle, bisikleta, motorsiklo at e-bike.

Imahe mula sa DOTr

Ang backriding o pag-aangkas sa motorsiklo ay hindi rin pinapayagan sa mga MECQ areas, ayon sa DOTr.

Bukod sa suspensyon ng operasyon ng public transportation, ang paggamit ng mga quarantine pass ay muling ipatutupad sa MECQ.

“Under MECQ, kailangan natin ng quarantine pass. Pinag-usapan na namin ng mga NCR mayors ‘yan. “We leave it to the LGU kung paano nila i-implement.”

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…