Ospital sa Davao City tumanggap ng pinakamalaking COVID reimbursements mula sa PhilHealth

Imahe mula sa Resurgent PH
  • Tumanggap ng pinakamalaking IRM ang SPMC sa Davao City
  • Pumangalawa naman ang Philippine General Hospital o PGH sa Maynila
  • Ito ay dahil mas malaki umano ang bed capacity ng SPMC kumpara sa PGH

Isang ospital sa Davao City ang tumanggap ng pinakamalaking halaga mula sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa mga COVID patient ng Philhealth habang pumangalawa naman ang Philippine General Hospital o PGH.

Ayon kay Atty. Roberto Labe Jr., ang legal counsel ng Philhealth, nanguna ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa mga may pinakamalaking IRM na nagkakahalaga ng P326-M. Sumunod dito ang PGH na nakatanggap ng P263.3-M.

Phil. General Hospital| Imahe mula sa Wikipedia

Depensa ni Philhealth chief Ricardo Morales, ang SPMC ang pinakamalaking ospital sa bansa dahil mas malaki ang bed capacity nito kumpara sa PGH.

“It’s the biggest hospital in the Philippines with 1,800 beds. UP-PGH has 1,500 beds,” wika ni Morales sa panayam ng Inquirer.

Ang IRM ay isang mekanismo ng Philhealth na siyang namamahagi ng emergency cash advance sa mga ospital na tumatanggap ng pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Giit ni Labe, lahat ng pondong ipinamamahagi sa ilalim ng IRM ay may resibo kaya walang iregularidad dito.

Imahe mula sa Philhealth

“All the releases have been provided with receipts. IRM was not pocketed by anyone as alleged,” ani Labe sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Martes.

Maliban sa  SPMC at PGH, tumanggap rin ng IRM ang mga sumusunod na pagamutan:

  • Davao Regional Medical Center (Tagum City), P209-M
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center (Cebu City), P204-M
  • Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (San Fernando, Pampanga), P201-M
  • National Kidney and Transplant Institute (Quezon City) P179-M
  • Baguio General Hospital and Medical Center (Baguio City), P165-M
  • Northern Mindanao Medical Center (Cagayan de Oro City), P150.2-M
  • Quirino Memorial Medical Center (Quezon City), P150-M
  • Eastern Visayas Regional Medical Center (Tacloban City), P146.2-M

Loading…