Paalala ng 4 anyos na anak ni Drew Arellano: The virus is bad, it makes you sick

Imahe mula sa Instagram | Drew Arellano
  • Pinaalalahanan ng kaniyang panganay na anak si Drew Arellano ng kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay sa gitna ng pandemya
  • Paalala ng apat na taong gulang na si Primo, hindi muna dapat lumabas dahil maaari kang magkasakit kapag dinapuan ng virus
  • Kinaaliwan naman ng netizens ang pang-unawa ni Primo sa sitwasyon

Ipinaalala ng apat na taong gulang na anak nina Drew Arellano at Iya Villania ang kahalagahan ng pananatili sa loob ng tahanan sa gitna ng umiiral na quarantine sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Instagram | Drew Arellano

Sa 50-second video na ibinahagi niya sa Instagram ay ipinasilip ni Drew ang usapan nila ng panganay na si Primo. “Words of love and wisdom from a four-year-old,” sabi ni Drew sa caption.

Sa simula ay tinatanong ni Drew sa anak kung bakit siya mahal nito. “‘Coz I love you,” sagot naman ni Primo. “I know but why do you love papa?” muling pag-uusisa ni Drew. “I don’t want you to go,” tugon ng anak.

Tanong ng kilalang travel host na si Drew, paano kung kailanganin niya muling umalis upang bumiyahe. “No you can’t…‘cause of the virus,” paliwanag ng anak.

Imahe mula sa Instagram | Drew Arellano

Sumang-ayon naman dito ang Biyahe ni Drew host at sinabing nasa ilalim pa ng quarantine ang bansa. “But the virus is really bad. It makes you sick. You need to stay home. You need to wear your mask,” paalala ni Primo sa kaniyang ama.

Ikinatuwa naman ng netizens ang pag-unawa ng bata sa sitwasyon ng bansa sa mura niyang edad. “Such a sweet son, and very smart too! Smart enough to know that the virus is really bad so we should stay home,” ani Tin M.

“Primo really knows the situation. So cute,” komento ni Ahnne.

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

Words of love and wisdom from a 4yr old.??

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

Source :

Instagram

Loading…