Pag-imprenta ng West PH Sea at Sabah sa pasaporte lusot na sa House panel

Imahe mula sa PH Embassy
  • Mapa ng West PH Sea at Sabah posibleng iimprenta na sa mga pasaporte
  • Lusot na sa House panel ang panukalang batas para dito
  • Bibigyan din ng 32% discount ang mga senior citizen na kukuha o magre-renew ng paspport

Aprubado na sa House panel ang pag-iimprenta ng mapa ng West Philippine Sea at Sabah sa mga pasaporte ng mamamayang Pilipino.

Isang substitute bill ang inaprubahan ng House foreign affairs committee nitong Huwebes upang amyendahan ang Passport Act na naglalayong isama sa mapa ng bansa ang WPS at Sabah, ayon kay Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Rep. Rufus Rodriguez| Imahe mula sa PIA

Ang West Philippine Sea ay bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa karagatan ng Pilipinas habang ang Sabah sa timog ng Mindanao naman ay parehong inaari ng Malaysia at Pilipinas.

“The inclusion of the map on our travel document is a strong statement that we are asserting our sovereign rights over the West Philippine Sea and our EEZ,” ani Rodriguez.

Ayon pa sa kongresista, layon ng panukala na bigyang-diin ang tagumpay ng bansa sa WPS sa International Arbitral Tribunal at ang ating ‘legal and historical rights’ sa Sabah.

Imahe mula sa Facebook

Kasama rin sa panukala ang pagbibigay ng 32% discount sa processing, issuance, at renewal fees ng pasaporte para sa mga senior citizens.

“By law, senior citizens at present get a price reduction of 20 percent discount plus 12-percent value added tax exemption on medicines,” ayon pa sa mambabatas.

Nais din ng panukalang batas na gawing kriminal na kaso ang pagtatago o pagkumpiska ng pasaporte ninuman lalo na ang mga banyaga.

Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ganitong paglabag, lalo na kapag foreigner, ay maaari pang i-deport matapos magdusa sa bilangguan.

Loading…