Pagkalat ng COVID-19 dahil sa late release ng DOH sa test results ng mga nagpositibo sa COVID-19 – PRC

Imahe mula sa IFRC
  • Isinisi ng PRC ang community transmission ng COVID-19 sa mabagal na pag-release ng DOH sa resulta ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus
  • Mahigit 5,000 COVID-19 positive patients na sumailalim sa test ang hindi pa alam na positibo sila
  • Malaki umano ang posibilidad na nakapanghawa na sa ibang tao ang mga nabanggit na pasyente

Isinisi ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagkalat ng coronavirus sa mga komunidad sa late na pag-release ng Department of Health (DOH) ng resulta ng COVID-19 test ng mga pasyenteng nagpositibo.

Imahe mula sa PIA

Noong nakaraang Linggo, nag-alok ng serbisyo nito ang PRC na tulungan ang gobyerno sa pag-release ng resulta ng test sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Ito ay dahil mahigit limang libong pasyente na kumpirmadong may COVID-19 simula pa noong July 30 ay hindi pa naaabisuhan na positibo sila sa coronavirus.

Malaki umano ang posibilidad na nakapanghawa na sa ibang tao ang mga nabanggit na pasyente sa kanilang kapamilya at sa komunidad na ginagalawan.

“Based on the calls, emails, and text messages we receive requesting for their test results, at least one third of over 15,700 positive confirmed cases since July 30 have not been informed yet about their status at confirmed positives, and they may have been dangerously increasing community transmission,” pahayag ni Sen. Richard Gordon, ang chairman at chief executive officer ng PRC, noong nakaraang linggo.

Imahe mula sa IFRC

Sa kasalukuyang sistema, direktang inaabisuhan ng PRC ang mga taong negatibo ang resulta ng COVID-19 test, pero hindi ang mga nagpositibo.

Ayon kay Sen. Gordon, ang DOH ang nag-aabiso sa mga positive patients, ngunit lumilitaw na late nitong nasasabihan ang mga COVID-19 positive patients.

At upang maiwasan ang mas lalo pang pagkakaroon ng community transmission, hiniling ng PRC sa DOH na payagan itong i-notify ang mga positive patients.

“Given the urgency of the situation of more positive confirmed cases in our country each day, PRC finds it imperative that the positive results should be immediately relayed to the patients as soon as results are available in our system,” anang senador sa ipinadalang liham sa DOH.

Imahe mula sa PRC

Dagdag pa niya, “In the interest of preventing the disease from spreading, which has been a severe problem, we would like to request the DOH to authorize and deputize PRC in writing to release results to positive patients through our team of volunteer doctors, certified and trained non-doctor professionals, including social workers and volunteers.”

Noong Linggo, August 23, sinabi ni Sen. Gordon na positibo ang naging sagot ng DOH sa kanilang request at agad silang binigyan ng awtorisasyon na abisuhan ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Loading…