Pagod na kami!” Artist at medical student, lumikha ng artwork para sa mga frontliners

  • Binigyang-pugay ng isang artist at medical student ang mga medical workers
  • Gumawa siya ng isang digital artwork na nagpapakita ng isang medical frontliner na may face mask at face shield, ngunit ang nakapupukaw ng pansin at nakaaantig ng damdamin ay ang mensaheng nakapaloob dito na “Pagod na Kami
  • Aniya, deserve nila ang paggalang at pagkilala sa halip na diskriminasyon at pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan

Ginawan ng digital artwork ng isang artist at medical student ang mga medical workers na nagsisilbing frontliners ngayon o makabagong bayani na lumalaban at sumusugpo sa COVID-19, upang bigyang-pugay ang kanilang mga sakripisyo para sa kagalingan ng mga mamamayang tinamaan nito.

Makikita sa Facebook at Instagram accounts ni “PM Cortez” ang kaniyang simple ngunit makahulugang digital artwork ng isang medical frontliner na may face mask at face shield, ngunit ang nakapupukaw ng pansin at nakaaantig ng damdamin ay ang mensaheng nakapaloob dito na “Pagod na Kami.”

Imahe mula sa Facebook at Instagram account ni PM Cortez

Ipinaunawa rin ng artist na isa ring medical student na ang mga frontliners ay mga tao rin at posible ring dapuan ng sakit. Higit sa lahat, mayroon din silang pamilya na nag-aalala para sa kanila.

“Gentle reminder that our frontliners are more than just our major line of defense against covid. They’re more than just doctors. They’re people too. They’re someone’s daughter/son/spouse. And right now, they’re so exhausted from caring for others,” aniya.

Ang nakapagpa-trigger sa kaniya upang gumawa nito ay ang pahayag ng ilang mga kilalang opisyal ng pamahalaan, na sa halip na magpakita umano ng empathy, sinabihan pa silang pagbutihin na lamang nila ang kanilang mga trabaho—kahit na sa simula pa lamang ng paglaganap ng pandemya sa bansa ay nakahanda at nakatutok na sila.

“Seeing statements like ‘work harded’  from an elected official is heartbreaking. These people deserve respect and admiration. Instead, they get discrimination and disrespect. It’s so hard to keep going when you don’t see an end in sight.” turan pa niya.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “Is there even a plan? Or is it just to sit and wait for the vaccine? Our doctors are falling into depression, or becoming a victim of COVID itself. It’s so hard to keep on hoping that things will get better.
Pilipinas, kaya pa ba? Kasi pagod na sila.”

Sa pagsisimula ng Agosto ay napagbigyan ang hiling ng mga medical groups na “time out” muna upang makapagpahinga sila, na naging dahilan upang muling isailalim ang National Capital Region o NCR at iba pang karatig-lalawigan sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Loading…