Pagsusuot ng face shield mandatory na rin sa mga manggagawa habang nasa trabaho

Imahe mula sa Press Reader
  • Ang pagsusuot ng face shield ay mandatory na rin sa mga workplaces
  • Dapat sagot ng mga employers ang pagbili ng face shields ng mga empleyado
  • Ang bagong patakaran ay ipatutupad simula sa Sabado, August 15

Gagawin na ring mandatory para sa mga workers ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, habang nasa loob sila ng kanilang mga workplaces, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Imahe mula sa Press Reader

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na sa Sabado, August 15, na sisimulan ang implementasyon ng bagong guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Based on a resolution of the IATF, not only would workers be required to use face masks, but also face shields. That’s the new protocol,” sabi ng kalihim sa mga reporters na nasa isang government event sa Antipolo, Rizal noong Miyerkules, August 12.

Dapat daw na sagutin ng mga employers ang pagbili ng mga face shields para sa mga empleyado.

“You only have to buy it once and it doesn’t cost that much,” ani Sec. Bello.

Nilinaw niya na wala namang mabigat na parusang ipapataw sa mga kumpanyang hindi agad makasusunod sa bagong patakaran.

Screenshot mula sa GMA video

“We will not suspend or close the company. They will be reminded of the health protocol. It’s excessive to shutter them, it would affect the employees. If there are no offices, there would be no jobs,” paliwanag ng kalihim.

Kaugnay ng pagpapatupad ng obligadong pagsusuot ng face shield, naglabas ng advisory ang Department of Health na ang basic non-medical grade face shields na karaniwang nakikitang suot ng mga tao ngayon ay dapat ibinebenta sa halagang mula P26 hanggang P50 bawat piraso.

Maglalabas din ang ahensya ng hiwalay na advisory para naman sa suggested retail price ng medical grade face shield.

Imahe mula sa One News
Source :

Philstar, CDN

Loading…