Pagsusuot ng face shield pinag-aaralang gawing mandatory

Imahe mula sa The Star
  • Pinag-aaralan ng gobyerno na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar
  • Sa ngayon ay hindi pa required ang pagsusuot ng face shield subalit ini-encourage ito ng pamahalaan
  • Ngayong July 31 ay nakapagtala ang DOH ng 4,063 COVID-19 cases, ang pinakamataas na bilang ng mga kaso nito sa loob ng isang araw

Ipinahayag ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na pinag-aaralan nag awing mandatory ang pagsusuot ng face shield bukod pa sa face mask kapag nasa mga pampublikong lugar bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Imahe mula sa The Star

Nilinaw ni Sec. Lopez na sa ngayon ay hindi required ang pagsusuot ng face shield subalit ini-encourage ito.

“Hindi pa ho ‘yan nire-require ngayon pero ho baka ho in the future ay ma-require na natin kung kailanganin natin mag extra protection. But ngayon ho we will just encourage ‘yung pagsusuot po ng face shield, umpisahan ho natin ‘yun,” aniya.

Ayon pa kay Sec. Lopez, batay sa isang pag-aaral, kapag gumamit ng face shiled kasabay ng face mask ay halos 99% ng potential transmission ng COVID-19 ang kaya nitong mapigilan.

“Sa pag-aaral, something like 82% ang naba-block pag may mask. Pero pag may face shield ka pa, almost 99% ang naba-block na potential transmission,” sabi pa ng Trade secretary.

Imahe mula sa BU Extension

Sa televised press briefing, sinabi rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na isasama na sa minimum health standards ang pagsusuot ng face shield – kasama ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at physical distancing upang maampat ang pagkalat ng coronavirus.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Ngayong araw, July 31, ay nakapagtala ang Department of Health ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa loob ng isang araw.

As of 4 p.m. nitong Biyernes ay umabot sa 4,063 COVID-19 cases ang naitala ng DOH para sa kabuuang 93,354 cases. Nahigitan na nito ang projection na ginawa ng UP experts na nagsabing aabot sa 90,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Imahe mula sa DOH

Loading…