Pagsusuot ng face shield required sa Pateros; P2k na multa o 12 oras na kulong sa mga lalabag

Screenshot mula sa 24 Oras video
  • Ang pagsusuot ng face shield ay mandatory na sa Pateros
  • Multang P2,000 o kulong ng 12 hours ang maaaring ipataw sa first offense ng violators
  • Dahil sa bagong ordinansa ay tumaas ang demand at presyo ng face shield sa Pateros

Obligado na ang mga residente ng Pateros na magsuot ng face shield bukod pa sa face mask tuwing lalabas ng tahanan. Ang bagong ordinansa ay ipinasa upang masawata ang patuloy na dumaraming bilang ng COVID-19 cases sa munisipalidad.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce III, multang dalawang libong piso o labindalawang oras na kulong ang ipapataw sa mga violators.

“Huhulihin sila. Mamimili sila sa dalawang bagay na parusa—either magpakulong sila ng 12 hours o kaya ay magmulta sila ng P2,000,” ani Mayor Ponce.

Nilinaw ng alkalde na ang binanggit niyang kaparusahan ay para sa unang paglabag pa lang. Sasampahan na ng kaso ang mga paulit-ulit na lalabag.

“Pero sa una lang ito, ‘no, dahil pag ito’y paulit-ulit, sinasampahan na namin ng kaso ng disobedience. At ito ay violation ng article ng Revised Penal Code. Mas malaki ang magiging problema nila,” aniya.

Sa mga unang araw ng implementasyon ng ordinansa ay naging maluwag pa ang mga awtoridad sa mga residenteng walang suot na face shield. Warning lang muna ang ibinigay at pinauuwi na lang. Ngayong linggong ito ay mahigpit na ang gagawing pagpapatupad sa ordinansa.

Screenshot mula sa 24 Oras video

“Kailangan siyempre bigyan natin ng time na maka-acquire sila. At kami naman ay nag-o-offer din na meron kaming ipamimigay doon sa talagang walang-wala na kaya naman naming bigyan ng face shield,” anang alkalade.

Dahil sa nasabing ordinansa ay tumaas ang demand ng face shield sa  Pateros. Kasabay nito ay ang pagtataas din ng presyo.

Ayon sa isang vendor, ang dating P20 na presyo ng isang face shield mula sa supplier niya ay naging P40 na. Ang bentahan ngayon nito ay P50 pataas bawat piraso.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Loading…