Pagsusuot ng face shield sa loob ng enclosed commercial establishments mandatory na

Imahe mula sa Press Reader
  • Ginawa na ring mandatory ang pagsusuot ng face shield sa loob ng mga commercial establishments tulad ng shopping malls
  • Ang bagong patakaran ay ipinatupad kasunod ng pagpapairal ng mas maluwag na community quarantine sa Metro Manila at ibang panig ng bansa
  • Batay sa pag-aaral ng mga medical experts, malaki ang naitutulong ng face shield upang mabawasan ang exposure sa COVID-19 at iba pang mikrobyo

Ang pagsusuot ng face shield ay ginawa nang mandatory hindi lang sa loob ng mga pampublikog sasakyan at sa trabaho kundi maging sa loob ng mga commercial establishments kagaya ng mga shopping malls.

Imahe mula sa WE Forum

“Napagkasunduan din ng National Task Force on COVID-19 na bukod po doon sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportation, sa trabaho, ay dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments gaya ng mga malls,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang bagong patakaran ay ipinatupad kasunod ng muling pagluluwag ng ipinaiiral na community quarantine s buong Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa. Ito ay upang mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 ang mga mamamayan.

Ang pagsusuot ng face shield bilang proteksyon laban sa virus infection ay rekomendado ng ilang medical experts mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Dr. Eli Perencevich, isang infectious disease expert at professor sa University of Iowa Carver College of Medicine, malaki ang naitutulong ng face shield upang mabawasan ang inhalation exposure sa mga respiratory viruss gaya ng flu virus.

Imahe mula sa Press Reader

“Face shields reduce immediate viral exposure by 96 percent when worn by a simulated health care worker within 18 inches of a cough,” ayon kay Dr. Perencevich na gumawa ng pag-aaral kung gaano kaepektibo ang face shield kontra sa cough aerosol droplets.

Kasabay ng mandatory na pagsusuot ng face shield ay ang pagtaas ng demand para rito na nagbunsod sa Department of Health upang maglabas ng memo na nagtatakda sa presyo nitong P26- P50 bawat isa.

Imahe mula sa One News

Loading…