Pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan required na simula August 15 – DOTr

Screenshot mula sa UNTV video
  • Pagsusuot ng face shield required na sa mga pampublikong sasakyan simula August 15, 2020
  • Ang face shield ay bukod pa sa face mask na dapat ring nakasuot tuwing nasa mga pampublikong lugar
  • Sa mga pasahero ng mga sasakyang pandagat, ang pagsusuot ng face shield ay required na simula August 7, 2020

Ang pagsusuot ng face shield ay gagawin nang mandatory sa lahat ng mga bibiyahe sa pamamagitan ng mga public utility vehicles (PUVs) simula sa August 15, 2020, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Screenshot mula sa UNTV video

Sa isang memorandum na inilabas noong August 3, inatasan ni DOTr Undersecretary for Administrative Services na si Artemio Tuazon, Jr. ang lahat ng opisyal sa sektor ng transportasyon na ipatupad ang nasabing polisiya sa mga lugar kung saan pinapayagang bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan.

Ang mandatory wearing of face shield ay bukod sa iba pang ipinatutupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagkakaroon ng sapat na distansya sa bawat paseho o physical distancing.

“As instructed by the Secretary, this is to mandate all officials/heads of various transportation sectors to enjoin within their respective jurisdictions the mandatory wearing of face shields (aside from face masks) for all passengers in areas where public transportation is allowed, effective on 15 August 2020,” saad ng memo.

Screenshot mula sa UNTV video

Mas maaga namang ipaiiral ang sapilitang pagsusuot ng face shield sa mga pasahero ng mga sasakyang pandagat. Simula sa August 7, 2020 ay ipatutupad ang No-face-shield, No-Ride policy.

Sa isang hiwalay na memorandum, nagbigay ng direktiba si Vice Admiral Narciso Vingson Jr., ang assistant secretary para sa Maritime, sa Maritime Industry Authority, Philippine Ports Authority, Cebu Port Authority, at sa Philippine Coast Guard na ipatupad ang naturang polisiya.

“In this regard, all concerned are tasked to issue the necessary announcements to properly inform the riding public,” ani Vingson sa memorandum.

Imahe mula sa Cebu Port Authority
Source :

Inquirer, Remate

Loading…