PAL hinirang bilang isa sa Top 10 Safest Airlines ngayong pandemya

Imahe mula sa PAL Facebook
  • Pasok sa Top 10 Safest Airlines ang PAL ngayong pandemiya
  • Ang ratings ay ibinase sa COVID-19 related hygiene at safety measures na ipinatutupad ng mga airlines
  • Mula sa pinakamataas na score na 5.0, nakakuha ang PAL ng 4.2 na rating

Nasa gitna man ng krisis, naghatid pa rin ng karangalan sa bansa ang flag carrier na Philippine Airlines matapos hirangin bilang isa sa pinakaligtas na airlines ngayong umiiral ang pandemiya.

Ang PAL ang isa sa 150 airlines sa buong mundo na sumailalim sa auditing ng Safe Travel Barometer, isang independent subsidiary ng  travel industry advisory at consulting firm na VIDEC.

Imahe mula sa PAL Facebook

“The fundamental premise of Safe Travel Score is to benchmark travel brands’ initiatives to reduce traveller anxiety,” ayon kay Virendra Jain, co-founder at chief executive ng Safe Travel.

Mula sa pinakamataas na score na 5.0, nakakuha ang PAL ng 4.2 para maging ka-tie ang China Airlines, Hawaiian Airlines, AirAsia  at Emirates para sa ika-5 hanggang ika-9 na puwesto.

Ang ratings ay ibinase sa COVID-19 related hygiene at safety measures na ipinamamahagi at inaanunsiyo ng airlines sa mga crew at pasahero nito.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng PPE sa mga crew, pag-disinfect ng eroplano bago at pagkatapos ng flight gamit ang high-grade eco-friendly cleaning agents, pagsagawa ng Covid19 testing para sa mga OFWs at iba pang pasahero at marami pang iba.

Imahe mula sa PAL Facebook

Nagpasalamat naman ang PAL natanggap nitong pagkilala.

“We are grateful for the unexpected recognition, and honored to be recognized for doing the right thing. PAL shall continue to maintain the highest standards of safety and the protection of the health of our colleagues and all the passengers in our care,” ani PAL President at Chief Operating Officer Gilbert Santa Maria.

Samantala ito ang buong listahan ng Top 10 Safest Airlines mula sa Safe Travel: 1. Lufthansa – 4.5; 2. Vistara –  4.4; Delta Airlines – 4.4; Allegiant Air – 4.4; 5. China Airlines – 4.2; 6. Hawaiian Airlines – 4.2; 7. AirAsia – 4.2; 8. Emirates – 4.2; 9. Philippine Airlines – 4.2; 10. Alaska Airlines – 4.1.

Loading…