Palasyo naniniwalang posible ang Paskong COVID-free

Imahe mula sa Unsplash
  • Umaasa ang Palasyo na magiging COVID-free ang mundo bago sumapit ang Pasko
  • Ito ay dahil marami nang mga bakuna na sumasailalim sa huling bahagi ng clinical trials
  • Inaasahang maglalabas ang Russia ng Sputnik V, bagama’t hindi pa ito sumasailalim sa Phase 3

Nananatiling positibo ang Malacañang na maaaring maging COVID-free ang mundo bago sumapit ang Pasko lalo na at may mga bakuna nang sumasailalim sa clinical trials.

Imahe mula sa Unsplash

“Puwede po, dahil ang alam ko po ‘yong sa Tsina, sa Oxford, at sa America, nasa third phase na po sila ng clinical trial,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod sa mga ito, sisimulan na rin sa Pilipinas ang Phase 3 ng clinical trial ng bakuna na dinevelop ng Gamaleya Institute of Epidemiology and Microbiology sa Moscow, Russia.

Inaasahang maipatatala ito sa Food and Drug Administration (FDA) sa April 2021 at kung masusunod ang timeline ay puwede nang bakunahan si Pang. Rodrigo Duterte sa May 1, 2021, ayon sa Department of Health at Department of Science and Technology.

Imahe mula sa Unsplash

“Sabihin na lang natin na ito naman pong Gamaleya vaccine is only one. Marami na pong mga vaccine na nasa third phase na of clinical trials. So baka meron naman pong mauna pa. Dahil itong Gamaleya, sisimulan pa lang ang third phase,” aniya.

Inaasahan daw nila na ang pagsali ng Pilipinas sa clinical trial na isinasagawa ng Russia ay makatutulong upang mawala ang pagdududa sa Sputnik V. Maglalabas na kasi ang Russia ng initial batch nito bago pa sumailalim sa Phase 3.

May mga bakuna nang nasa ilalim ng final phase sa ngayon, ayon sa World Health Organization (WHO) ilan sa mga ito ay mula sa Sinovac, Wuhan Institute of Biological Products, Beijing Institute of Biological Products, AstraZeneca at University of Oxford, Moderna at National Institute of Allergy and Infectious Diseases, BioNTech, Fosun Pharma, at Pfizer.

Source :

PNA, GMA News

Loading…