Palasyo tiniyak na makukuha ang P1-M compensation ng pamilya ng nurse na iginupo ng COVID

Mga Imahe mula sa Facebook nina Sec. Roque/ Joie Cruz
  • Tiniyak ng Malakanyang na matatanggap ng pamilya ng nurse ang P1-M na compensation
  • Ito ay matapos mag-viral sa social media ang post ng anak tungkol sa natanggap na hazard pay
  • Siniguro din ni Roque na hindi na mauulit ang mga ganitong delay

Tiniyak ng Malakanyang na matatanggap ng pamilya ni Tess Cruz ang P1-M compensation para sa mga fronliner health workers na nagbuwis nang buhay habang nakikipaglaban sa COVID-19.

Magugunitang nagviral ang Facebook post ng anak ni Tess cruz na si Joie Cruz matapos ilabas ang kaniyang sama ng loob sa gobyerno dahil sa kakapiranggot na natanggap na hazard pay ng kaniyang namayapang ina.

“This issue is not about monetary value. This issue is about how governments lie and how we take for granted and exploit our frontliners in the face of this pandemic,” ani Joie sa kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Harry Roque

Sa ginanap na virtual presser nitong Huwebes, ‘personal’ na tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makukuha ng pamilya Cruz ang P1-M compensation sa ilalim ng  Bayanihan Law.

Nagpahatid din ng pakikiramay ang Palasyo sa nagdadalamhating pamilya.

Anak ng nurse na iginupo ng COVID-19, dismayado sa natanggap na hazard pay ng ina

“I wish to condole with the family of the deceased nurse. Bagamat hindi po nakuha on time at yung ine-expect nilang hazard pay, sisiguraduhin ko po ngayon personally na makukuha yung ayuda na ibinibibigay po sa health front-liners na namatay po dahil sa Covid,” ani Roque.

Bukod dito, siniguro din ng opisyal na hindi na mauulit ang nangyaring delay sa hazard pay ng mga nurse.

Hindi usapin ng pera

Sa Facebook post ni Joie, ikinuwento nitong  na ilang buwan bago yumao ang kaniyang nanay, excited na ito na matanggap ang kaniyang hazard pay na sa tantiya nila ay aabot ng P30,000 base sa anunsiyo ng DOH na P500 kada araw.

Nito lang ay pumunta siya sa pinagtatrabahuan ng kaniyang ina at dito niya nakuha ang hazard pay. Subalit laking gulat niya umano na ang inaaasahan nilang P30K ay halos P7K mahigit na lamang.

Screenshot ng Facebook post ni Joie Cruz

Ganunpaman, nilinaw ng anak na ang kaniyang hinaing ay hindi dahil sa perang natanggap ng kaniyang yumaong ina, kung hindi sa dimanoy’ kasinungalingan ng gobyerno at pagsasawalang bahala nito sa buhay ng mga frontliners.

“This issue is about how my mom was treated way way below than what she deserves in a local public hospital where she worked in for more than 10 years – the first 4 years of those were without any salary,” ayon pa sa netizen.

Screenshot ng Facebook post ni Joie Cruz

Masama rin daw ang kaniyang loob dahil tinanggihang i-swab test ang kaniyang nanay matapos itong ma-expose sa pasyenteng may virus. Pinagsalitaan din umano nang hindi maganda ang kaniyang ina matapos magkomento si Joie sa post ng isang pulitiko dahil hindi sila nabigyan ng PPE.

Sa kabila nito, pinatatawad na niya na ang mga taong ito na hindi naman binanggit ni Joie. Sa kasalukuyan ay nagluluksa pa rin sila sa pagkawala ng kanilang mahal na ina.

Loading…