Pang. Duterte na handang magpabakuna ng Russian vaccine disqualified na mauna sa clinical trials sa bansa

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
  • Duterte hindi qualified na maunang maturukan ng Russian vaccine sa gagawing clinical trials sa Pilipinas
  • Kahit gusto niyang mauna, sinabi ng vaccine panel ng bansa na hindi qualified ang pangulo batay sa requirements sa clinical trials
  • Ayon sa vaccine panel, ang mga may edad 18-59, mga health frontliners at close contacts ng COVID-19 paitents ang bibigyan ng prayoridad sa clinical trials

Buong tapang na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay nakahandang mauna sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine na gawa ng Russia. Ito ay matapos niyang tanggapin ang alok ng nasabing bansa  na magkaroon ng clinical trials at production ng naturang bakuna ditto sa bansa.

Imahe mula sa PCOO

Anang Pangulo, pag-uusapan pa nilang dalawa ni Russian President Vladimir Putin ang mga detalye sa gagawing clinical trials dito sa Pilipinas.

“Well, mag-injection muna tayo ng iilan tapos tingnan natin ang resulta,” aniya.

BASAHIN: Russia gustong mag-produce ng COVID-19 vaccine sa Pinas

Gustuhin mang mauna ni Pang. Duterte na maturukan ng bakuna ay hindi maaari dahil hindi siya qualified batay sa requirements para sa mga taong papayagang makilahok sa clinical trials.

Ayon sa guidelines na binuo ng vaccine experts sa bansa para sa pagsasagawa ng phase 3 clinical trials, ang bibigyan ng prayoridad ay ang mga may edad 18 hanggang 59 at ang mga taong mataas ang risk na mahawahan ng COVID-19 tulad ng mga health workers at close contacts ng COVID-19 patients.

Ang mga matatanda at mga taong immunocompromised, katulad ng Pangulo, ay maaaring isama sa mga susunod na batch. Ang kanilang partisipasyon sa clinical trials ay depende sa magiging resulta ng priority group.

Imahe mula sa The Jakarta Post

“There will be inclusion and exclusion criteria on who can participate in the clinical trials. This will be strictly implemented,” matatandaang sinabi noon ni Dr. Nina Gloriani, chairman ng vaccine expert panel ng bansa.

Tinawag ng Russia ang ginawang vaccine na “Sputnik V,” pangalang isinunod sa kauna-unahang space satellite sa buong mundo, ang “Sputnik”  na inilunsad ng Soviet Union noong October 4, 1957.

Ipinahihiwatig ng pangalang Sputnik V ang tagumpay ng Russia bilang kauna-unahang bansa na nagbigay ng regulatory approval para sa COVID-19 vaccine makalipas lang ang dalawang buwang human trials, isang hakbang na pinuri ng Moscow bilang pruweba umano ng kanilang scientific prowess.

Imahe mula sa Russian Direct Investment Fund

Loading…