Pangulong Duterte pinakamapagmahal at pinakamapagmalasakit na government official, ayon sa survey

  • Para sa mga nakararami, si Pangulong Duterte ang pinakamapagmahal at pinakamapagmalasakit na opisyal ng pamahalaan batay sa isinagawang survey ng national PAHAYAG SONA ng Publicus Asia, Inc. 
  • Ang apat pang pasok sa top 5 ay sina Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento sa mga netizens

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang itinuturing na pinakamapagmahal at pinakamapagmalasakit na opisyal ng pamahalaan ayon sa mga respondents ng national PAHAYAG SONA survey ng Publicus Asia, Inc. na isinagawa noong Agosto 1-11, 2020.

Ang apat  pang opisyal ng pamahalaan na nasa top 5 ay sina Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Public Domain Image

Nakakuha  si Pangulong Duterte ng 68.3%, na sinundan naman ni VP Leni na nakakuha ng 20.7%, Senate President Sotto na may 2.1%, House Speaker Cayetano na may 0.9%, at Peralta na may 0.2%. 7.8% naman ang sumagot na ang mga sumusunod na mga opisyal ay walang pagmamahal sa bayan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Iyon ang totoo! May malasakit siya sa mga Pilipino kahit ganoon siya magsalita,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Mapagmahal sa sarili, may malasakit sa mga malalapit niyang kaibigan baka iyan ang ibig sabihin ng survey!”

“Whatever other people says about the President, it will never change the fact how good and genuine he is. Lord God will guide and protect you our President,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Yes! At maganda pa riyan ay abot hanggang remote provinces ang malasakit niya sa atin. Kaya minsan ang mga taga-Maynila kapag makapunta rito sa amin sa Mindanao akala nila ang mga batas at proyekto sa kanila lang pero ang totoo abot mula Batanes hanggang Jolo ang developments ng Duterte administration.”

“Most loving? Eh yung West Philippines Sea nga pinabayaan niya na, nasaan ang malasakit doon?” reaksyon naman ng isa.

Public Domain Image

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-16 na pangulo ng Pilipinas. Magtatapos ang kaniyang termino sa taong 2022.

Loading…