Pangungupit ay maiiwasan kung gagamit ng digital technology sa pamamahagi ng cash aid

Imahe mula sa Medium
  • Paggamit ng digital technology sa distribusyon ng cash aid mahalaga upang maiwasan ang pangungupit
  • Sinabi ni Sec. Dominguez na mahirap gumawa ng kalokohan kung by computer at walang cash na hina-handle sa pagbibigay ng ayudang pinansyal
  • Mahigit apat na raang local public officials ang nahaharap sa mga kaso dahil sa diumano’y ginawang pangungurakot sa mga cash aid sa ilalim ng SAP

Tahasang sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez na mapapawi ang ginagawang pangungupit ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan o ng mga local government units kung gagamitin ang digital technology sa distribusyon ng ayudang pinansyal.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Ang pahayag ng DOF secretary ay matapos maging matagumpay ang small wage subsidy program ngayong may pandemya dahil sa digitalization ng mga transaksyon.

Sa isinagawang press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na dapat idaan sa mga bangko o kaya ay sa electronic wallets (e-wallet) ang direktang pamamahagi ng cash aid upang wala nang ibang tao na hahawak ng salapi para sa mga benepisyaryo.

“We think all subsidy programs in the future should be digitized, in other words through digitalization of all transactions,” ani Sec. Dominguez.

“Mahirap gumawa ng kalokohan dito kung by computer, walang cash na hina-handle, nobody can keep the cash so the intended beneficiaries, yung mga employee ng small companies, ay tumanggap ng subsidy. As much as possible, lahat ng tulong sa tao give it through the banks, through Lhuiller so no cash is handled. As little cash as possible. So walang mangungupit, walang mawawala,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Medium

Sumang-ayon naman si Pangulong Rodrigo Duterte na sa ganoong paraan ay mababawasan ang katiwalian.

“Ang pinakaimportante rito ang paghulog sa bangko ng gobyerno diretso sa empleyado, no intermediary, no intervention of any kind,” sabi ni Presidente Duterte.

Imahe mula sa PCOO

Samantala, mahigit apat na raang local public officials ang nahaharap ngayon sa mga kaso dahil sa diumano ay ginawang pangungurakot sa mga cash aid  sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.  Labis itong ikinadismaya ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Aniya, “Sobrang nakakadismaya na nagawa pa nilang mangurakot sa ayudang nakalaan para sa sa ating mga kababayan na lubhang apektado ng pandemya.”

Source :

ABS-CBN, PNA

Loading…