Panic buying: Mouthwash nagkaubusan sa Japan matapos sabihin ng isang opisyal na nakatutulong iyon kontra COVID-19

Imahe mula sa SoraNews24
  • Nagkaubusan ng mouthwash sa Japan dahil sa pahayag ng Osaka governor
  • Sinabi ng gobernador na kaunti ang viral load sa laway ng mga mild COVID-19 patients na regular na nagmumog ng gargling solution kumpara sa mga hindi gumamit niyon
  • Nagpahayag ng pagdududa ang WHO at ilang Japanese medical experts sa pahayag ng gobernador

Isang brand ng mouthwash o gargling solution ang parang bulang naglaho sa mga shelves ng mga tindahan sa Japan matapos mag-panic buying ang mga mamamayan.

Imahe mula sa Meiji

Noong August 5, libo-libong mga hapones ang nag-share sa social media ng mga larawan ng display shelves na walang laman matapos mag-panic buying ng gargling solution ang maraming tao kasunod ng naging pahayag ng isang opisyal ng Osaka na makatutulong iyon laban sa coronavirus.

Karamihan sa mga Japanese netizens ay nagtatanong kung saan pa maaaring makabili ng mouthwash na tinatawag na “Isojin.”

Noong Martes, August 4, sinabi ni Osaka Governor Hirofumi Yoshimura na lumabas sa isang pag-aaral na mas kaunti ang viral load sa laway ng 41 patients na may mild symptoms ng COVID-19 na regular na nagmumog ng medisina na nilagyan ng povidone-iodine solution kaysa sa mga pasyenteng hindi gumamit niyon.

“If people gargle with this type of mouthwash, we may find that the number of people who tested positive for coronavirus will decrease. I can’t say that it will cure coronavirus, but I expect it can help prevent spread of infection in places where cases have been increasing,” pahayag ng gobernador sa isang press conference.

Imahe mula sa SoraNews24

Inamin ng spokesman ng Japanese government na si Yoshihide Suga na nakarating sa kanilang kaalaman ang pahayag ng gobernador at maging ang gagawin ng mga researchers na pag-aaral kung ang ingredient ng mouthwash ay makatutulong nga upang hindi lumalala ang sintomas ng COVID-19.

“The government will closely watch developments of the research,” ani Suga.

Ilang medical expet naman ang nagpahayag ng pagdududa sa sinabi ni Gov. Yoshimura.

“I understand that the governor must be very concerned about the sudden growth of cases in his region and is looking for some positive news. I don’t intend to attack the claim as being inappropriate, but the position of our organization is that we should keep calm and research it,”  sabi ni Toshio Nakagawa, chairman ng Japan Medical Association.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay may pahayag ukol sa sinabi ng gobernador.

“There’s no scientific evidence that gargling medicine prevents the coronavirus,” ayon sa WHO.

Imahe mula sa SoraNews24

Dumepensa naman ang gobernador. Wala naman daw siyang sinabi  na may preventive effect ang mouthwash. Aniya, siya man ay may pagdududa noong una.

“I never said a single word about it having a preventative effect. But looking at the results, looking at those clear numbers — for a drug that’s accessible to everyone, and can bring patients closer to recovery, it sounded like something that should be a lie, but it’s true,” paliwanag si Gov. Yoshimura

Kasabay niyon, pinaalalahanan niya ang publiko na huwag mag-panic buying.

Loading…