Mga bagong TV5 shows nagpaulan ng papremyo sa pilot episode

Image capture of video from TV5 Philippines via YouTube
  • Fill in the Bank at Bawal na Game Show, nagbigay ng aliw at papremyo
  • Pinapurihan ang pagkakagawa ng mga ito sa gitna ng limitasyong dulot ng pandemya
  • Mapapanood ang mga palabas tuwing alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa TV5

Nagpaulan ng papremyo at kasiyahan ang mga bagong game show sa TV5 na Fill in the Bank at Bawal na Game Show na parehong mayroon na ring mga commercial loads. Pinapurihan pa ng mga manonood ang pagkakagawa ng mga ito sa gitna ng limitasyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Image capture of video from TV5 Philippines via YouTube

Sa Fill in the Bank na hosted nina Jose Manalo at Pokwang, nakapag-uwi ng P54,000.00 ang aktor na si Ronnie Alonte samantalang nakakuha ng consolation prize ang katunggaling si Jerome Ponce.

Kapansin-pansin ang paggamit ng mga salitang may kaugnayan sa nagaganap ngayon sa segments ng palabas kagaya ng Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

Samantala, aliw at surpresa naman ang inihatid nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang Beebe Ghorl at Barby Ghorl respectively sa Bawal na Game Show kung saan nakakuha ng P50,000.00 prize ang nagwaging si Maika Rivera.

Nakatanggap naman ng P15,000.00 si Heaven Peralejo, P10,000.00 si Empress Schuck at P5,000.00 si Kira Balinger.

Mapapanood ang Fill in the Bank tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; at ang Bawal na Game Show ay tuwing Martes at Huwebes. Alas-7 ng gabi ang timeslot.

Samantala, nagsimula na rin ang Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at maraming mahuhusay na talentadong Pilipino ang nagpakitanggilas sa kilalang palabas. Nanalo bilang unang weekly champion si Erwin Reyes.

Image by TV5 via Facebook

Kapansin-pansin na galing sa Kapamilya Network ang karamihan sa mga guest sa mga palabas ng singko.

Talaga ngang pinalalakas ngayon ng TV5 ang entertainment contents nila at hindi sila mapipigilan ng pandemya para maisakatuparan ang layuning ito.

Panoorin ang pilot episode ng Fill in the Bank sa ibaba:

Narito naman ang pilot episode ng Bawal na Game Show:

Loading…