Panukala ni Defensor: Free annual medical checkup sagot ng PhilHealth

Image by Mike T. Defensor via Facebook
  • Ipinanukala ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na gawin nang libre ang annual medical checkup ng mga Pilipino
  • Kaya umano ito ng PhilHealth na may P200-billion taunang pondo
  • Pabor sa panukalang ito ang mga mamamayan dahil malalaman na ng mga walang kakayahang magpa-checkup ang estado ng kanilang kalusugan

Magiging libre na ang basic annual medical checkup ng mga Pilipino sakaling maaprubahan ang panukala sa Kamara na isama ito sa mga sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Pasado na ito sa House Committe on Health.

Imahe mula Facebook- Rep. Mike Defensor

Sinabi ni Anakalausugan Rep. Mike Defensor, ang may-akda sa panukala, na nais niyang baguhin ang target-based program ng PhilHealth para sa libreng medical checkup sa ilalim ng Universal Health Care Law.

Ang gusto ni Defensor, gawin nang available ang serbisyo para sa lahat ng mamamayang Pilipino na kayang-kaya naman ng PhilHealth. Aniya, may taunang P200-billion na pondo ang ahensya. Tinatayang P5-billion ang kakailanganin para mapondohan ang panukala.

Wika ni Defensor, “In the long run, our small initial investment in giving free annual testing for blood sugar and cholesterol levels would mean less expenses for the government in the future.”

Kabilang sa mga masasama sa sagutin ng PhilHealth, batay sa substitue ng House Bill 4093, ang libreng blood sugar at cholesterol tests.

Sa naunang bersyon nito ay kasali na ang libreng annual medical checkup para sa diagnostic and laboratory tests for blood count, urinalysis, stool analysis, chest X-ray at complete physical exam.

Imahe mula sa UNTV

Pabor naman sa panukalang ito ang mga mamamayan. Sabi ng isa, “Mabuti ‘yun kasi katulad ng iba na walang kakayahang magbayad para magpa-checkup.

“At least, ngayon, may libre tayo, di ba? Kahit wala tayong pera, makakapagpa-checkup tayo, malalaman natin ‘yung kalusugan natin kung okay ba o hindi.”

Panoorin ang video na ito mula sa PTV:

Loading…