Parañaque namamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng bank-on-wheels

Imahe mula sa UnionBank
  • Ang pamamahagi ng cash assistance ng Parañaque City ay idinaan sa mga ATM upang mabawasan ang face-to-face transactions
  • Partner ng Parañaque City ang UnionBank sa programang “Paraña-Cash Assistance para sa Parañaqueños”
  • Nagtungo sa mga barangay sa siyudad ang isang bank-on-wheels ng UnionBank upang ligtas na makapag-withdraw ng pera ang mga beneficiaries

Hindi na face-to-face ang pamamahagi ng cash assistance sa Parañaque City upang mabawasan ang panganib ng COVID-19 transmission. Ipadaraan na sa automated teller machine ang pagbibigay ng ayuda sa mga qualified residents.

Imahe mula sa UnionBank

At para sa mga mahihirapang magtungo sa mga bangko upang ma-withdraw ang financial aid, ang ATM na mismo ang ilalapit sa mga residente sa pamamagitan ng bank-on-wheels ng UnionBank.

Ang mga residente na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa national government tulad ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development at TUPAD mula sa Department of Labor and Employment ang mabibigyan  ng P5,000 cash aid sa ilalim ng programang “Paraña-Cash Assistance para sa Parañaqueños” – mahirap man o maykaya.

Ang unang batch ng mga residente na mayroon nang hawak na “Paraña-Cash EON Card” ay maaari nang makapag-withdraw ng limang libong pisong ayuda sa mga ATM simula noong Miyerkules. August 5.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga may UnionBank EON Cards na may service charge na ibabawas kapag sa ibang bangko nag-withdraw.

Imahe mula kay Mayor Edwin Olivarez

“Paalala lang po na ang pag-withdraw mula sa ATM machine ng mga bangko maliban sa UnionBank ay maaaring may kaakibat na karampatang service charge,” saad ng advisory ng Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ang UnionBank bank-on-wheels ay nagtungo sa Barangay Moonwalk at Barangay San Martin De Porres noong Miyerkules at Huwebes (August 5-6) mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon para makapag-withdraw ang mga beneficiaries.

Pinayuhan din ni Mayor Olivarez ang mga residente na agad palitan ang PIN ng ATM card at huwag ipaalam sa iba.

Imahe mula kay Mayor Edwin Olivarez
Source :

Facebook, Abante

Loading…