Pastor Quiboloy kay Arnold Clavio: “Sino mukhang puppet sa ‘tin? Naka-BMW ka, Buhok Mo Wig”

Imahe mula sa Trending Balita
  • Pastor Quiboloy ibinulgar na ginawa siyang katatawanan noon ni Arnold Clavio
  • Nagkaroon ng pagkakataon ang pastor na rumesbak sa journalist dahil sa Sarah Balabagan controversy
  • Sinabihan niya si Clavio na naka-BMW o “Buhok Mo Wig”

Nang sumabog ang kontrobersya sa ginawang pagbubulgar ni Sarah Balabagan na si Arnold “Igan” Clavio ang ama ng anak niyang panganay, walang sinayang na panahon si Pastor Apollo Quiboloy para rumesbak sa beteranong broadcast journalist.

Screenshot mula sa video ni Pastor Apollo Quiboloy

Batay sa pahayag ng pastor sa isang video, kinutya at ginawa siyang katatawanan noon ni Arnold Clavio.

“Binabatikos niya ang Pangulong Duterte. Tapos ginagawa tayong katatawanan. Eh, ‘di harapin mo ‘yung sinabi ni Sarah Balabagan,” hamon niya kay Igan.

“Mayroon ka palang sikreto rin na mas matindi pa. Tapos binabatikos mo ang Pangulong Duterte imbes na tumulong ka. Tapos ginagawa mo ‘kong katatawanan,” ayon pa sa pastor.

Aniya, kung pagkukumparahin ang kanilang mukha, mas nakakatawa umano ang mukha ni Arnold Clavio.

“Tingnan mo ang mukha ko. Ito ba ay mukhang katatawanan? Itabi mo ang mukha mo sa akin, sino ang mukhang puppet sa atin?” patsuda pa ni Pastor Quiboloy na ang tinutukoy na puppet ay si “Arn Arn” na inihulma sa physical appearance ni Arnold Clavio.

Napapanood noon si Arn Arn sa GMA 7 morning show na “Unang Hirit.”

Screenshot mula sa GMA video

Hindi rin pinaligtas ni Pastor Quiboloy ang buhok ni Igan, na aniya, ay artipisyal.

“Ako hindi naka-BMW. Wala akong BMW. Ikaw alam ko naka-BMW ka,” hirit pa ng pastor.

Ang BMW na tinukoy ng pastor ay hindi ang sikat na brand ng kotseng BMW o Bayerische Motoren Werke.

“Oo, naka-BMW ka. Hindi BMW… ang ibig kong sabihin ‘Buhok Mo Wig’,” aniya.

Hinamon ni Pastor Quiboloy na magpakalalaki si Arnold Clavio at harapin ang pagiging ama sa anak niya kay Sarah Balabagan.

Imahe mula sa Instagram accout ni Arnold Clavio

Loading…