Pedicab driver na sinusuotan ng face shield ang alaga, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Gia Mesina
  • Marami ang humanga sa isang pedicab driver na nakuhanan ng video habang sinusuotan ng face shield ang kaniyang alaga
  • Bukod dito ay nakasuot din ng kapote ang kaniyang fur baby bilang proteksyon sa ulan
  • Dalangin ng netizens, sana ay manatiling ligtas ang dalawa mula sa sakit hindi lang dala ng COVID kundi maging ng madalas na pag-ulan

Naantig ang netizens sa video ng isang pedicab driver na nakitang labis ang pagmamahal sa kaniyang alagang aso.

Imahe mula sa Facebook | Gia Mesina

Nasaksihan ni Gia Mesina ang maingat na pagsusuot ng ‘di nakilalang pedicab driver ng face shield at kapote sa kaniyang alagang aso bago siya pumadyak.

“Nakita namin si Kuya. Nilagyan niya ng face shield at panlaban sa ulan ‘yong alaga niya. May quarantine pass din,” ani Gia sa Facebook Group na Dog Lovers Philippines kung saan niya ibinahagi ang video.

Kuwento ng isang nag-komento na si Cha D., minsan na silang nakasakay sa pedicab ng driver sa video at kasama talaga nito sa pamamasada ang asong si “Chichi.”

“Nasakyan namin ng Mama ko si Kuya at saka si baby. Nasa harapan din siya noon kaya sabi namin ni Mama ipasok niya na lang sa loob kasi baka mahulog siya,” ani Cha. “Super bait ng fur baby ni Kuya. If I remember correctly, Chichi ang name niya.”

Imahe mula sa Facebook | Gia Mesina

Dagdag niya pa, tila hinihingal noon si Chichi kaya naman nag-abot sila ng sobrang pera upang may maipambili ng tubig ng fur baby.

Ang iba pang netizens, saludo sa pedicab driver dahil sa pag-aalaga niya sa kaniyang aso. “Thank you, Tatay, for protecting your fur baby. Keep safe po,” sabi ni Nhet M. Hanga naman si Gambert G. sa fur parent ni Chichi. “Ganiyan ang nagmamahal sa fur baby nila, aspin man o may breed. Saludo ako sa’yo, Kua.  Gambert G.

Hiling naman ng ilan, sana ay manatiling ligtas ang aso at ang pedicab driver dahil bukod sa banta ng COVID-19 ay madalas din ang pag-ulan ngayon.

Panoorin dito ang video:

CLICK the image to watch the video shared by Gia Mesina via Facebook

Loading…