Pelikula nina Xian, Alex at Kylie nanguna sa Netflix Philippines

Image by Alex Gonzaga via Instagram
  • Pelikulang pinagbidahan nina Alex Gonzaga, Xian Lim at Kylie Verzosa, nanguna sa Netflix
  • Pinatunayan nito na kaya nating gumawa ng world-class na pelikula at makipagsabayan sa ibang bansa
  • Nagpasalamat ang mga bida ng Love The Way U Lie sa mga manonood

Isa na namang pelikula na gawang Pinoy ang nangunguna sa Netflix na siyang muling nagpapatunay na kayang-kaya talaga nating gumawa ng mga world-class na pelikula at makipagsabayan sa ibang bansa. Wow!

Image by Xian Lim via Instagram

Nanguna sa Netflix Philippines nitong Biyernes at Sabado ang romantic comedy film na Love The Way U Lie, tumatalakay ito sa love triangle ng mga karakter na ginampanan nina Alex Gonzaga, Xian Lim at Kylie Verzosa.

Ginampanan ni Alex sa pelikula ang isang lonely-in-love psychic na siyang naging tulay para matulungang makapag-move-on ang papel ni Xian sa namayapa nitong asawa na ginampanan naman ni Kylie.

Kabilang sana ang Love The Way U Lie sa mga kalahok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival kaya lamang ay nag-lockdown. Nagdesisyon tuloy ang mga producer ng pelikula na i-release ito digitally sa pamamagitan ng Netflix.

Pahayag ng direktor ng pelikula na si RC delos Reyes, naging inspirasyon niya sa paggawa ng pelikula ang mga Korean movies and dramas at, syempre, isinama niya ang pusong Pinoy. Kumbaga’y fusion ng dalawang kultura.

“It’s [Korean movies and dramas] inspired. I channeled my Korean heart in this film, but at the same time, I channeled my Filipino heart as well. So pinag-combine ko ‘yung two cultures na ‘yon to make this film possible.”

Labis naman ang kasiyahan ni Alex sa tagumpay na ito, “After debuting yesterday we are now #1 trending on Netflix PH today!!!

“Napakasaya ng puso namin at ibinigay nyo po ang 1hr30mins ng inyong oras para manood sa amin!! Congrats to the whole team lalo na kay Direk RC and of course kay Sara and Nathan ng buhay ni Stacey!”

Image by Alex Gonzaga via Instagram

Sabi ni Xian, “This is really amazing guys! Thank you for allowing Nathan, Sarah and Stacey to touch your hearts!”

“Thank you for watching Stacey, Nathan and Sara! Napanood niyo na ba?” ang pahayag naman ni Kylie.

Ngayong sunod-sunod ang mga nababalitaan nating Filipino films na nangunguna sa Netflix, talagang on-the-move na tayo sa pagproduce ng mas magaganda pang mga pelikula. Anong pelikula kaya ang susunod? Abangan.

Image by Xian Lim via Instagram

Loading…