Pensyon ng senior citizens doblehin, mahigpit na qualifications para magkapensyon alisin – solon

Imahe mula sa RMN
  • Ipinanukala ni Rep. Rufus Rodriguez na gawing P1,000 a month ang allowance ng mga senior citizens
  • Dapat din umanong alisin na ang restrictive qualifications na hinihingi upang mabigyan ng pension ang mga matatanda
  • Dahil sa restrictive restrictions ay milyun-milyong senior citizens ang hindi nakatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Isang bagong panukalang batas ang inihain ng mambabatas na may layuning matulungan ang mga senior citizens sa mga dinaranas na hirap ngayong panahon ng pandemya.

Imahe mula sa Sunday Examiner

Ihinain ni Rep. Rufus Rodriguez ang House Bill No. 7266 bilang amendment ng Republic Act No. 9994 o  Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Itinatakda sa RA No. 9994 na P500 ang monthly stipend para sa mga matatanda at may mahigpit na qualifications pa itong hinihingi upang maging qualified ang isang senior citizen na makatanggap ng monthly allowance.

Sa pamamagitan ng inihaing panukala, nais ni Rep. Rodriguez na madoble ang allowance na ibinibigay sa mga senior citizens. Mula sa P500 ay gagawing P1,000 a month.

Aniya, hindi sapat ang limandaang piso para sa pangangailangan ng mga matatanda

“Five hundred pesos a month is not much. It’s not even enough for basic maintenance medicines,” anang mambabatas mula sa Mindanao.

Imahe mula sa House of Representatives

Aniya, 29 percent lang ng 7.5 million senior citizens ang nabibigyan ng monthly allowance na P500 kasi “the law is very restrictive.”

Sa ilalim ng nasabing batas, ang senior citizen ay qualified sa monthly stipend kapag ito ay “frail, sickly or with disability” at walang monthly pension na natatanggap o permanenteng pinagkakakitaan o anumang pinansyal na tulong na natataggap mula sa mga kamag-anak para sa kanilang pangangailangan.

Sa panukala ni Rep. Rodriguez ay aalisin na ang phrase na “frail, sickly and with disability” at “without pension or assistance from relatives.”

“Because of these restrictions, millions of senior citizens are being deprived of the social pension they are entitled to,” anang mambabatas.

Imahe mula sa NCP

Ang tanging qualification lang na hinihingi sa panukala niya ay ang benipisyaryo ay hindi tumatanggap ng pension mula sa anumang public o private pension na mahigit sa P4,000 kada buwan.

Bukod sa kanyang panukala, nanawagan din siya sa Social Security System na ibigay na ang karagdagang P1,000 sa pension ng mga private-sector retirees.

Loading…