PhilHealth mafia ‘back with a vengeance’, ayon kay Lacson

Imahe mula sa Philhealth. Facebook
  • Dismayado si Sen. Ping Lacson sa patuloy na pamamayagpag ng ‘mafia’ sa loob ng PhilHealth
  • May nakausap na umano siyang mga tao na nais ibunyag ang kanilang nalalaman
  • Hinala ng mambabatas, mistulang na-master na ng sindikato ang ‘influence-peddling’

Dismayado si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa diumano’y pamamayagpag ng sindikato sa loob ng PhilHealth na siyang ugat ng katiwalian sa ahensiya.

Sa isang press release, ibinahagi ng senador na mayroon na siyang ilang testigo na nais ibunyag ang kanilang nalalaman tungkol sa malawakang kurapsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corp.

“At the outset, I can say that this new Senate investigation will reveal the same cast of characters, or at least a number of them, that we already exposed in a Senate inquiry in August last year after my “PhilHealth and the Department of Wealth” privilege speech on July 29, 2019,” wika ng senador.

Imahe mula sa pinglacson.net

Magugunitang ilang opisyal ng PhilHealth ang napaulat na nagbitiw sa tungkulin matapos umano ang mainit na pagtatalo ng mga opisyal ng ahensiya tungkol sa katiwalian ng kanilang kasamahan.

Isa sa nag-resign ay si Atty. Thorsson Montes Keith, anti-fraud legal officer ng Philhealth, na kumalat pa sa social media ang resignation letter. Isa sa tinututulan ni Keith ay ang sapilitang pagsingil ng kontribusyon sa mga OFWs na labag umano sa Saligang Batas at hindi naman itinatakda ng Universal Health Care (UHC) law.

‘Anomalya’ sa PhilHealth, pinaiimbestigahan na ng Palasyo

Para kay Lacson, posibleng bumalik muli ang ‘mafia’ sa loob ng PhilHealth. Aniya, “I would say, the syndicate is back with a vengeance – or at least its core group has never left.”

“It is revolting to see the PhilHealth mafia very much active and still in control of the already depleted resources of the agency, made worse by blatant manipulation of its financial statements,” dagdag pa ng senador.

Hinala ng mambabatas, mistulang na-master na ng sindikato ang ‘influence-peddling’ dahil tila patuloy itong nagkakaroon ng access sa mga ‘corridors of power’.

Ricardo Morales| Imahe mula sa PIA

Nauna nang pinabulaanan ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ang mga bintang ni Keith. Maaari daw na ganti lamang ito ng abogado matapos tanggihan ang kaniyang promotion.

Samantala, ipinag-utos na rin ng Malakanyang ang malalimang imbestigasyon sa naging alegasyon ni Keith. Nanawagan rin si Presidential Spokesperson Harry Roque sa nagbitiw na opisyal na makipagtulungan sa imbestigasyon upang matigil na ang tinutukoy nitong katiwalian.

Loading…