PhilHealth nagbayad na ng P367-M na utang sa Red Cross

Imahe mula sa Phlhealth, Red Cross
  • Nagbayad na ng P367-M ang PhilHealth sa utang nito sa Philippine Red Cross
  • Subalit mayroon pang balanseng mahigit P400-M ang Philhealth, ayon kay Senador Gordon
  • Nagbanta dati si Gordon na ititigil nito ang COVID testing kapag nabigo silang makasingil

Nagbayad na ang PhilHealth ng P367-M mula sa utang nitong mahigit P700-M sa Red Cross para sa pagsasagawa ng COVID testing.

Magugunitang nagbanta si Philippine Red Cross (PRC) chairperson at Senador Richard Gordon na ititigil na nila ang COVID testing para sa mga miyembro ng PhilHealth kapag nabigo itong makasingil sa state insurance company.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naibigay na ang bayad ng PhilHealth sa Red Cross noong Martes bagama’t hindi nito binanggit ang halaga.

Imahe mula sa DF Balita

“We are continuously partnering and coordinating with the Philippine Red Cross para maiwasan natin yung mga ganitong issues sa mga susunod na panahon,” ani Vergeire.

Nagmula kay Gordon ang kumpirmasyon ng halagang natanggap ng Red Cross na umabot sa P367-M umano. Samakatuwid daw ay mayroon pang balanse ang PhilHealth na nagkakahalaga ng P481.3-M.

Samantala, kinilala naman ni Vergeire ang papel na ginagampanan ng Red Cross dahil 40 porsiyento ng ginagawang COVID testing sa bansa ay isinasagawa ng laboratory ng huli.

“We recognize the role of Philippine Red Cross in our current capacity for testing. When we try to analyze all of the outputs that our laboratories are generating, almost 40 percent came from Red Cross,” ani Vergeire.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Gordon

Nauna nang iginiit ni PhilHealth Vice President Oscar Abadu na nagbabayad naman talaga sila sa Red Cross subalit hindi nila kaagad maproseso ang pinakahuling sinisingil nito na P714-M dahil kailan lamang nila natanggap ang mga dokumento.

Sa ilalim  ng kontrata ng dalawang ahensiya, tumanggap ng inisyal na P100-M ang PRC para sa COVID testing at maaari itong i-replenish kapag umabot na sa 40%-60% ang nagastos.

Dahil sa kabiguang matanggap agad ang pera, napilitang maglabas ng sariling pondo ang PRC para matustusan ang kanilang ginagawa.

Loading…