Philhealth scam sa Aquino admin, nais muling paimbestigahan ni Rep. Yap

Imahe mula sa Philhealth, Facebook
  • Nais paimbestigahang muli ni Rep. Eric Yap ang Philhealth scam sa panahon ni Aquino
  • Wala rin umanong nangyari noon at wala ring opisyal na nakulong katulad na lang daw ni Hontiveros
  • Dati nang pinabulaanan ni Hontiveros na nasangkot siya sa katiwalian sa Philhealth noon

Ngayong mainit ang isyu ng katiwalian sa Philhealth, nais ni ACT-CIS Rep. Eric Yap na muling balikan at imbestigahan ang diumano’y kurapsyon din ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ito ay dahil hangga’t wala umanong nakukulong at napaparusahan ay patuloy pa rin ang nakawan sa ahensiya.

Binanggit rin ng mambabatas ang dati’y malawakang kurapsyon noon at milyon-milyong nanakaw sa Philhealth sa panahon ni Aquino. Kabilang na umano rito ang mga nagtataasang sahod at allowances ng mga opsiyal noon tulad ni Senador Risa Hontiveros.

Imahe mula sa Facebook ni REp. Eric yap

Si Hontiveros ay nagsilbi bilang board of director sa Philhealth noong Aquino admin matapos mabigong manalo sa kaniyang unang pagtakbo sa pagka-senador.

“Wala namang nangyari at walang nakulong na opisyal kaya patuloy ang nakawan sa pondo ng PhilHealth na kontribusyon ng mamamayan,” ayon kay Yap.

Giit pa ni Yap, ang chairman ng appropriations committee sa Mababang Kapulungan, nabulgar lang ngayon ang kurapsyon sa Philhealth dahil mayroong matitinong opisyal na may lakas ng loob para magsalita sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Risa Hontiveros

Nauna nang iginiit ni Hontiveros na hindi siya sangkot sa tinaguriang ‘mafia’ sa Philhealth noong siya ay nanunungkulan pa ahensiya.

Base na rin umano ito sa isinagawang ‘fact check’ ng VERA Files na nagsabing walang katotohanan ang lumabas na balitang kabilang siya sa tumanggap ng Notice of Disallowance ng COA na nag-aatas sa mga opisyal ng Philhealth na ibalik ang labis-labis na bonuses at allowances na nagkakahalaga nbg P165.85 milyon para sa taong 2009, 2010 at 2014.

Loading…