Pilipinas tinawag na “Land of COVID-19” ng isang pahayagan sa Thailand

  • Tinawag ng isang pahayagang Thai ang Pilipinas bilang “Land of COVID-19”
  • Iyan ay makikita sa headline o pang-ulong balita ng “Thai Rath”
  • Agad namang nagpadala ng liham ang konsul ng Embahada ng Pilipinas  sa Thailand sa punong patnugot ng naturang pahayagan upang iparating ang kanilang mensahe ng pagkadismaya sa nangyari

Nainsulto ang Embahada ng Pilipinas sa Thailand sa paglalagay nito ng headline na tumutukoy sa Pilipinas bilang “Land of COVID-19.”

Kaya naman sa opisyal na Facebook page ng Embahada ng Pilipinas sa Thailand, ipinakita nila ang ipinadalang liham ni Philippine Consul General Val Simon Roque sa punong patnugot o editor-in-chief ng pahayagang “Thai Rath” upang ipaabot ang hindi magandang dulot ng naturang headline.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng Philippine Embassy in Thailand

“The Philippine Embassy has written the editor-in-chief of Thai Rath concerning the newspaper’s headline yesterday. For the Filipino community’s information,” ayon sa caption ng post kalakip ang kopya ng naturang liham.

Makikita sa pahayagan nitong Linggo, Agosto 9, 2020 ang pagbabalita hinggil sa pagdating mga gurong Pilipino sa Thailand, mula sa Pilipinas. Ayon sa headline, nakasaad ang “165 PH teachers arrived at Thailand from the land of COVID” na umani ng ilang mga pagpuna mula sa mga Filipino netizens.

Ayon kay Roque, hindi akma, insensitibo at hindi makatutulong ito sa panahong magkakasangga ang mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa laban kontra COVID-19.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“We Filipino really and deserved to receive apology from Thai Rath News and to the Ministry. We fully support Thai movie industry and not only that, even in education and agriculture, we give our support and yet in this pandemic time,” sabi ng isa.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng Philippine Embassy in Thailand

Turan naman ng isa, “Yes, it’s time for our officials to speak up against this false and discriminatory headline. Although this paper is trashy, people believe what they want to believe. In a time like this, xenophobia shouldn’t be tolerated.”

“I disagree with making unethical headlines. I am Thai and I apologize to the Philippines and the Filipino people. It shouldn’t really happen. I saw the news and felt terrible. Really sorry again,” ayon naman sa isang Thai.

Tiniyak naman ni Roque na sumusunod sa health at quarantine protocols ng Thailand ang mga guro at iba pang OFW na nagbabalik sa naturang bansa. Mahigpit ding pinatutupad ito ng Thai civil servants.

Naitala ng Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa ASEAN.

Loading…