“Pinagtagpo-pero-hindi-tinadhana”: Face mask ng dalawang pasahero kinaaliwan

  • “Pinagtagpo-pero-hindi-tinadhana”
  • Ganiyan inilarawan ang dalawang pasaherong may nakaaaliw na face mask
  • Umani ito ng good vibes sa mga netizens

Isa sa mga pangangailangan ngayon, na dati ay hindi pinapansin, ay ang pagsusuot ng face mask upang mapangalagaan ang sarili maging ang kapwa mula sa posibleng pagkahawa ng COVID-19. Maaari kasi itong makuha sa pamamagitan ng droplets o pagtalsik ng laway.

At dahil sadyang malikhain ang mga Pilipino at mahilig pagtawanan ang anomang hindi kanais-nais na kalagayan, maraming naglilitawang mga face masks na may iba’t ibang disenyo o dibuho. Hindi na nga naman kasi nakikita ang labi, lalo na sa kababaihan na sanay maglagay ng lipstick o kolorete sa mukha upang mas maging presentable.

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Kaya naman, nagdulot ng good vibes sa mga netizens ang pinagsamang larawan ng dalawang pasaherong may nakaaaliw na face mask, na makikita sa Facebook page na “Papa.” Ang caption pa nito ay mula sa linya ng isang awitin na “Pinagtagpo pero hindi tinadhana.”

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Yung sobrang lungkot mo tapos nakakita ka sa jeep ng mga ganiyan. Good vibes!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hahaha ang cool nga eh. Galing ng pagkaka-edit!”

“Sa mga panahong hindi natin alam ang mga mangyayari sa hinaharap, mas maganda nang makakita niyan kaysa mga balitang mas nakakalungkot at nakaka-depress. Minsan pasasayahin na lang natin mga sarili natin sa kung ano ang nakikita natin sa paligid natin,” payo naman ng isa.

Ang suot nila ay isang halimbawa ng “cloth mask” na karaniwang mabibili lamang sa mga pamilihan, o kaya sa mga bangketa. Kung walang pambili ng surgical face mask, mas mainam na itong gamitin basta’t huwag lamang kalilimutang labhan upang madisinfect.

Public Domain Image

Tatandaang ang pangunahing layunin pa rin ng pagsusuot ng face mask ay upang mapangalagaan ang sarili mula sa posibleng pagkahawa ng virus.

Source :

Facebook

Loading…