Pinakamahal na face mask sa buong mundo ginawa para sa isang Chinese businessman

Screenshot mula sa Bloomberg video
  • Gumawa ng isang napakamahal na face mask ng isang Israeli jeweler para sa isang customer
  • Hiniling ng customer na gawin iyon na pinakamahal na face mask sa buong mundo
  • Ang face mask ay yari sa ginto at mga diamante at nagkakahalaga ng $1.5 million

Habang wala pang vaccine para sa COVID-19, ang pagsusuot ng face mask ang isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit.

Imahe mula sa BWO

Ang karaniwang surgical mask at N95 mask na ang halaga ay abot-kaya ng mga ordinaryong mamamayan ay sapat na upang maproteksyunan ang may suot ng ganito. Marami namang sikat na mga personalidad kabilang ang mga entertainment celebrities ang bumibili pa ng mamahaling “designer’ face masks na gawa ng mga kilalang exclusive brands.

Kalimitang hindi bababa sa $100 o katumbas ng halos P5,000 ang mga designer face maks. May ginawa pa nga ang isang fashion designer na face mask na ibinebenta niya sa halagang $500 o halos P25,000 ang isa. Gawa kasi iyon sa Swarovski crystals.

Pero ang lahat ng mga iyon ay taob sa face mask na ginagawa ng isang Israeli jewelry company para sa customer nitong Chinese businessman na naninirahan sa Amerika kung presyo ang pag-uusapan.

Sabi ni Isaac Levy ng Yvel ,isang luxury jewel brand, ang face mask na ipinagawa sa kanya ng customer ang magiging pinakamahal na face mask sa buong mundo. Nagkakahalaga ito ng $1.5 million o katumbas ng halos P75 million.

Screenshot mula sa Bloomberg video

May tatlong kondisyon na hiningi sa kanya ang customer, sabi ni Levy.

Una, dapat daw gawin iyon na isang N99 face mask na aprubado ng US FDA at pasado sa European standards. Ang ikalawang kondisyon naman na hiningi ng customer ay dapat daw na ma-deliver sa kanya bago matapos ang taon o sa December 31, 2020.

Ani Levy, ang ikatlong kondisyon ang pinakamadali para sa kanya. Gusto raw ng customer na ang face mask na in-order ang maging pinakamahal na face mask sa buong mundo.

Screenshot mula sa Bloomberg video

Ang face mask ay yari sa 18-karat gold at palalamutian ng 3,600 black and white diamonds.

“Personally, I would not walk with a mask like this. I think that we all should wear the same regular N95 mask. Money maybe doesn’t buy everything, but if it can buy a very expensive COVID-19 mask and the guy wants to wear it and walk around and get the attention, he should be happy with that. I am happy that this mask gave us enough work for our employees to be able to provide them jobs in very challenging times like these times right now,” sabi ni Levy.

Ang napakamahal  na face mask ay may bigat daw na 270 grams kapag natapos.

Screenshot mula sa Bloomberg video

 

Loading…