Pinoy winner ng UAE lottery nagbigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya sa ‘Pinas

Screenshot mula sa Emirates Loto video
  • Pinoy na nanalo sa Emirates Loto sa Dubai nagbigay ng ayuda sa mga kababayan sa Pilipinas na apektado ng pandemic
  • Umabot sa mahigit dalawang milyong piso ang napanalunan ni William Marquez Aniana
  • Ang kuwento ni William ay naitampok sa TV program ni Ms. Korina Sanchez

Isa ang overseas Filipino worker na si William Marquez Aniana sa apat na masuwerteng nanalo sa Emirates Loto noong buwan ng Mayo. Ang share niya sa premyo ay 166,666 Dirhams o katumbas ng mahigit dalawang milyong piso.

Screenshot mula sa Emirates Loto video

Itinampok si William sa isang video ng UAE Loto kung saan ibinahagi niya ang magandang kapalarang dumating sa kanyang buhay.

Sa halagang napanalunan ay maaari na raw sana niyang matupad ang matagal nang pinapangarap na makapagbukas ng maliit na restaurant sa Pilipinas, subalit pinili niyang manatili pa sa trabaho niya sa Dubai bilang isang document controller.

Tuwang-tuwa raw ang mga magulang niya nang balatuhan ng perang pambili ng mga appliances. Maging ang mga kapitbahay na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic ay naambunan din ng biyaya nang magpamahagi ang pamilya niya ng mga grocery items bilang ayuda.

Dahil daw sa pagkakapanalo sa loterya ay dumami ang mga kababayang nakakilala sa kanya sa UAE, lalo na’t naitampok pa ang kuwento niya sa isang programa sa telebisyon sa Pilipinas. Si Ms. Korina Sanchez ang nag- online interview sa kanya.

Screenshot mula sa Emirates Loto video

“From the moment I was lucky enough to win Emirates Loto, my life totally changed both financially and in terms of opportunity. I became known in the UAE Filipino community and my life story was even featured back at home by a famous TV personality,” lahad niya.

Naisip ni William na gamitin ang bagong kasikatan na tinatamasa upang lalo pang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Screenshot mula sa Emirates Loto video

Gumawa siya ng YouTube channel na tinawag na “Yayam’s TV.”

Aniya, gagamitin niya sa pagtulong sa kapwa ang kikitain bilang isang social media influencer.

Loading…