‘Pirma Kapamilya’ organizers hindi patitinag para sa ABS-CBN franchise

Image by NUJP via Twitter
  • Organizers ng “Pirma Kapamilya” drive hindi patitinag para sa prangkisa ng ABS-CBN
  • Kung magtagumpay ito, walang kapangyarihan ang pangulo o Kongreso na pigilan ito  –  Atty. Aguila
  • Sabi ni Atty. Marañon, kailangang pag-isipan ng mga organizers ang “practicality, time and money”

Hindi patitinag ang mga organizers ng “Pirma Kapamilya” drive sa pagnanais na muling magkaroon ng prangkisa ang TV Network sa pamamagitan ng paglikom ng sapat na pirma sa ilalim ng “people’s initiative”.

Image by NUJP via Twitter

Sa ilalim ng people’s initiative, kinakailangan ng pirma ng at least 3% ng registered voters bawat legislative district at at least 10% ng total registered voters; at beberipikahin ng Comelec na siyang susundan ng referendum kung saan boboto ang mga mamamayan. Kapag majority ang bumoto pabor dito ay kagyat itong magiging epektibo.

Sinabi ng abogadong si Eirene Jhone Aguila na walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte o ang Kongreso na pigilan ang pag-broadcast ng ABS-CBN sakaling magtagumpay ito.

Aniya, “Ang kagandahan dito, may say pa ba ang Kongreso? Wala. Effective na ang batas once dumaan sa referundum at once na-publish, puwede ba itong i-veto ng Presidente? Hindi rin. Ganoon ka-powerful ang People’s Initiative.”

Sa kabila nito, ani election lawyer na si Emil Marañon III, kailangang pag-isipan ng mga organizers ang “practicality, time and money”.

Ito ay kung papaano sila makalilikom ng sapat na pirma at kung may sapat na oras ang Comelec sa pagbeberika samantalang naghahanda na sila sa 2022 elections.

Saad pa niya, kapag nagtagumpay sila sa paglikom ng pirma ay kakailanganin ng P4-billion na pondo para maisagawa ang national referendum at ang pagpopondo ay dadaan pa sa Kongreso.

Imahe mula sa NEDA

“In short, there is an inherent difficulty in the process, that is why, up to now, no one has succeeded in launching a people’s initiative since the passage of Republic Act No. 6735 in 1989.”

Maaaring ma-access at ma-download ang petition sa pamamagitan ng website na www.pirma.ph at social media pages ng PIRMA Kapamilya.

Imahe mula sa ABS-CBN

Loading…