Planong 7 to 8 hours na online classes magdudulot ng stress sa mga estudyante, pamilya

Imahe mula sa DepEd
  • Plano ng DepEd na gawing 7 hanggang 8 oras ang haba ng online classes
  • Sinabi ni Sen. Gatchalian na dapat muna itong pag-aralang mabuti ng DepEd
  • Magdudulot daw ng dagdag na stress sa mga mag-aaral at pamilya nila ang mahabang online classes

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na ang online classes ay gagawing pito hanggang walong oras.  Ang mga adjustments ay kailangan umanong gawin dahil nausog ang opening ng klase sa October 5 na dapat sana ay sa August 24  magsisimula.

Imahe mula sa DepEd

“We need to abide by the law that it has to be about 200 to 220 calendar days and therefore there has to be some adjustments,” pahayag ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo.

“There are several things. It can be done through extensions of all the classes. That means from 6 hours, it can be extended to about 7 to 8 hours in a day just so we can extend the number of hours for the delivery of the minimum essential learning competencies,”  dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat pag-isipang mabuti ang pinaplano. Aniya, magdudulot ng dagdag na stress sa mga mag-aaral at kanilang pamilya ang hanggang walong oras na online classes sa gitna ng nararanasang pandemya.

Binigyang-diin ng senador na mahalagang magkaroon ng tamang balanse ang kalidad ng pag-aaral at ang mental well-being ng mga bata at ng pamilya nila.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Win Gatchalian

“This is an option that we can do, we can also do remedial classes during the weekend. But we need to balance very carefully because the pandemic created a lot of mental stress to our parents and to our students and another stress from school will not help the well-being of our families,” paliwanag ni Sen. Gatchalian.

Ang walong oras na pagtutok sa screen ng smart phone at computers ay hindi magandang ideya, sabi pa ng senador.

Dapat aniyang siguruhin na hindi maaapektuhan ang kalusugan ng mga mag-aaral sa mga pagbabagong nais ipatupad ng DepEd.

Imahe mul;a sa DepEd

Loading…