PLDT nagbabala tungkol sa mga contractor na namumutol ng Fibr customers para bigyang lugar ang mga bagong application

Imahe mula sa PLDT
  • Naglalabas ng advisory ang PLDT tungkol sa maling gawain ng ilan sa kanilang contractors
  • Namumutol daw ang mga ito ng Fibr connection para bigyang lugar ang mga pending applications
  • Dismayado naman ang mga customers dahil kailangang-kailangan ngayon ang internet sa bahay

Naglabas ng babala sa publiko ang PLDT tungkol umano sa mga contractors umano nito na namumutol ng mga internet Fibr connection para bigyang lugar ang mga nakapending na application sa kanila.

Ayon sa advisory ng PLDT sa kanilang social media account, nakatanggap sila ng mga ulat sa ganitong hindi katanggap-tanggap na gawain at kasalukuyan na nilang sinisiyasat.

“We have received reports of of contractors disconnecting PLDT Fibr customers in order to free up ports for pending Fibr applications. Such activities are clearly improper and will not be tolerated,” ayon sa advisory.

Imahe mula sa PLDT Facebook

Sa sinumang makaranas o makakita ng ganitong gawain, hiniling ng telco giant na kaagad ipagbigay-alam sa kanila.

“Our network and legal teams are currently investigating these reports and will take actions against erring contractors,’ dagdag pa ng kompanya ni Manny Pangilinan.

Dismayado naman ang ibang PLDT customers dahil sa ganitong modus operandi.

“Very disappointing. Better do not accomodate new application if you cannot do the best service of your heavy customers. Because others will be experiencing the same bad dillemas as well,” wika ng isang nagcomment.

Imahe mula sa PLDt Facebook

Marami rin ang nagtatanong kung paano nila malalaman kapag naputulan na sila ng internet.

“Will they come to our homes physically and do something or we will just suddenly lost our connections. This is so crazy. To just lost our connection one day and not knowing what happened, It is so hard to contact PLDT especially with this pandemic,” tanong ng isa naman.

Para sa karamihan, hindi umano ito katanggap-tanggap lalo pa’t kailangang-kailangan ngayon ng mga bata ang internet connection dahil magsisimula na ang online learning habang ang iba namang magulang ay naka-work from home.

Loading…