PNP inatasan ni Pang. Duterte na tulungan ang mga contact tracers

Imahe mula sa Facebook page ng PNP
  • PNP inutusan ni Pang. Duterte na tulungan ang mga contact tracers
  • Dapat umanong gamitin ng PNP ang mga sasakyan nito upang maihatid ang mga contact tracers sa lugar na pupuntahan
  • Bilang kapalit sa sakripisyong gagawin upang tulungan ang mga contact tracers, pinangakuan ng Pangulo ang PNP ng kanyang patuloy na suporta

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa ginagawa ng pamahalaan na mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing upang mapgilian ang pagkalat ng coronavirus.

Imahe mula sa PCOO

Sa public address na ginawa niya noong Lunes, Ika-10 ng Agosto, sinabi ng Pangulo na may resources ang PNP para matulungan ang mga local officials sa ginagawang contact tracing.

Hiniling ng Pangulo kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na utusan ang PNP na gamitin ang mga sasakyan nito upang mas mabilis na maihatid ang mga contact tracers sa lugar na pupuntahan ng mga ito.

“That would be the fastest way of doing the tracing. If only we had money and vehicles, I wouldn’t trouble the police. But since there’s none, the police has to sacrifice and contribute to the solution of the problem now,” anang Pangulo.

“Contact tracing means that ‘yung people who are doing the actual tracing will have to travel to the place where the person in question resides. Kailangan ito ng sasakyan,” paliwanag pa ni Pang. Duterte.

Bilang kapalit sa sakripisyong gagawin upang tulungan ang mga contact tracers, pinangakuan ng Pangulo ang PNP ng kanyang suporta.

Imahe mula sa Facebook page ng PNP

Mga pulis ko, tutal wala kayong masasabi sa akin, full support ako sa inyo. “Yung mga kaso ninyo na duty-connected, wag kayong magalala, dedepensahan ko kayo. Maghintay lang kayo, basta tutulungan ko kayong lahat, pangako ng Pangulo para sa hanay ng kapulisan.”

Sa kasalukuyan, nasa 139,538 ang total cases ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 2,987 new cases nito ngayong August 11.

Imahe mula sa DOH

Loading…