PNP itinangging kuha sa Bagiuo City ang larawang kumakalat sa social media

PNP chief Gen, Archie Gamboa| Imahe mula sa PNP-Facebook
  • Sa isang pribadong pagtitipon sa Makati kuha ang mga larawang kumalat sa social media
  • Taliwas ito sa lumabas na ulat na kuha umano ito sa party sa Baguio nitong weekend
  • Nagbabala naman ang PNP sa nagpakalat ng ‘fake news’

Hindi sa Baguio City kung hindi sa isang event sa Makati ilang buwan na ang nakararaan umano kuha ang mga larawang kumalat sa social media nitong Martes kung saan makikita si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa na kahalubilo ang ilang tao.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ang naturang mga larawan ay kuha sa isang pribadong pagtitipon noong Pebrero, isang buwan pa bago isinalalim sa lockdown ang Metro Manila.

Imahe mula sa Facebook-PNP

“PNP chief PGen Archie Gamboa strongly denounces the malicious posting of photos that were taken at a private event in Makati City in February 2020,” pahayag ni Banac.

Muli kasing natuligsa si Gamboa matapos kumalat sa socmed ang larawan na makikitang walang face mask at hindi raw sinusunod ang social distancing. Ayon pa sa nagpakalat ng pictures, kabilang na ang isang major broadsheet, kuha raw ito sa Baguio City kung saan ginanap ang party ay live concert nitong nakaraang weekend para sa pagreretiro ng PNP chief.

Nagbabala ang pamunuan ng PNP na tanggalin na kaagad ng kung sinuman ang nag-upload ng malisyosong larawan upang hindi masampahan ng reklamo.

“We urge all persons who posted, shared and forwarded these images in social media to immediately take these fake news down or face possible criminal charges under Republic Act 10175, or the Anti-Cybercrime Law,” babala ni Banac.

Imahe mula sa Facebook

Nahaharap sa kontrobersiya si Gamboa matapos kumalat sa social media ng isang text message mula sa isang netizen na nagkaroon umano ng party at tugtugan sa official residence ng PNP sa loob ng Navy Base sa Baguio City Biyernes ng gabi.

Mahigpit naman itong pinabulaanan ng hepe ng PNP at sinabing walang naganap na party o concert at sa halip ay isang dinner lamang ito. Mahigpit din umano nilang ipinatupad ang health protocol sa nasabing pagtitipon.

Loading…