President VS President: Senate President Tito Sotto III, bumwelta kay PhilHealth President Ricardo Morales

  • May pahayag si Senador Tito Sotto III kay PhilHealth President Ricardo Morales
  • Kaugnay ito sa ‘pagtatampo’ ng PhilHealth President sa pagkakabantad sa publiko ng kaniyang kalagayang pangkalusugan
  • Ayon sa senador, “There is no privacy! If you cannot stand the heat, get out of the kitchen!”

Binuweltahan ni Senate President Tito Sotto III si Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth President at CEO Ricardo Morales matapos magbigay ng pahayag ang huli na nasagkaan ang kaniyang privacy matapos kumalat sa publiko ang kaniyang medical certificate na siya ay sumasailalim sa chemotherapy dahil sa sakit na lymphoma.

Nakatakda sana kasing dumalo sa senate hearing sina Morales, gayundin ang Vice President nitong si Arnel De Jesus, subalit ilang araw bago ang naturang pagdinig, nagdeklara silang pareho na may karamdaman sila at kinakailangang magpahinga, batay na rin sa medical advice ng kanilang doktor.

Imahe mula sa DF News

Kaya naman buwelta ni Sen. Sotto sa pamamagitan umano ng text message sa mga reporters, “I’ve said it before, when you hold a high public office, you are a servant of, and answerable to the people. There is no privacy! If you cannot stand the heat, get out of the kitchen!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Only in the Philippines. Kaya HINDI umaasenso ang bansa natin dahil hindi pinarurusahan ang mga dapat na parusahan at ibalik ang mga ninakaw.Lifestyle check lang naman ang isang indirect evidence!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Teka, teka muna, eh paano yung pera naming na-contribute kapag basta na lang paalisin? Ano yun salamat and good bye? Sagutin po muna ninyo ang mga alegasyon sa inyo, bago man lang kayo kunin ni Lord.

“Naku, nililihis lang niyan ang isyu. Balat-sibuyas, pusong mamon…pero ang kakapal ng mga mukha,” galit na saad naman ng isa.

Mga opisyal ng PhilHealth, nagdeklarang may sakit kaya hindi makadadalo sa mga pagdinig sa Senado

Nahaharap ngayon ang PhilHealth sa kontrobersiya matapos lumantad ang whistle blower na si anti-fraud officer, at isang abogadong si Thorrsson Montes Keith, na nagsasabing naibulsa ng mga opisyal ang 15 bilyong pisong pondo ng ahensiya. Isa pa sa mga isyu ang pagkakaroon ng mga overpriced na computers/laptops na ginagamit sa kanilang IT Department.

Loading…