Preskong lalaki na nagyaya ng date, supalpal sa online gamer lady

Screenshot mula sa HuHu Gaming video
  • Preskong lalaki na niyaya ng date ang isang online gamer lady, sinupalpal
  • Sinabi ng lalaki na walang dapat ipag-alala ang dalaga dahil may kotse naman siya at siya ang magbabayad ng lahat
  • Sa inis, sinabi ng dalaga na itulog na lang ng lalaki ang kayabangan dahil wala siyang pakialam sa kotse niyang manual

Hangga’t maaari ay ayaw sana ng isang dalagang online gamer na maging eskandalosa, subalit kailangan raw niya itong gawin dahil sa hindi na mabilang na mga na-encounter niyang katulad ng lalaking mayabang na nagyaya sa kanya ng date.

Screenshot ng post ni Rhea

Ipinauna na ng lady gamer na si Rhea sa mga netizens na makababasa ng Facebook post niya kung may mao-offend sa kanila ay maari namang umalis sa kanyang timeline.

Ibinahagi niya ang screenshot ng naging pag-uusap nila sa Facebook Messenger ng lalaking “Jack” ang pangalan na may pagka-preskong nagyaya sa kanya ng date.

Unang nagpadala ng private message si Jack kay Rhea at tinanong kung bakit gising pa ito. Nagsabi pa ang lalaki na tatawagan niya ang dalaga.

Maayos namang sumagot si Rhea at tinanong kung ano ang pakay ng lalaki.

“Working po ako, sir. Bakit ho?” sagot ng dalaga sa PM ni Jack.

Sa puntong iyon na sinabi ng lalaki na gusto niyang yayaing lumabas si Rhea kahit isang gabi lang daw. Wala naman umano siyang masamang intensyon. Kung gusto raw ni Rhea na lumabas ay sabihin lang sa kanya.

Screenshot ng PM ni Jack kay Rhea

Magalang pa ring tinanggihan ng dalaga ang alok ng lalaki, ngunit nagpanting na ang tainga niya sa sumunod na hirit ng preskong lalaki na ipinagmayabang pa na mayroon siyang kotse.

“Sungit mo naman hahaha. Bakit sino ka ba? I mean wala ka namang worries if you go out with me. May car ako haha. I will pay for everything haha. Inaaya ka na nga, eh haha choosy ka pa ah,” post ni Jack.

Screenshot ng PM ni Jack kay Rhea

Aniya, kung akala raw ni Jack ay makukuha siya nito sa pagyayabang ng pera at kotse ay nagkakamali ito. Sa bandang huli ay direkta niyang sinabi na ayaw niyang lumabas kasama ang lalaki.

“I don’t want to go out with you, tapos ang usapan. Itulog mo ‘yang yabang mo dahil wala akong pakialam sa vios mong manual,” ani Rhea.

Screenshot ng PM ni Jack kay Rhea

Nilinaw ng dalaga na wala namang siyang problema sa modelo ng kotse (Toyota Vios with manual transmission) ni Jack, naasar lang siya nang magtanong ito ng “Bakit sino ka ba?”

Marami rin, aniya, siyang mga kaibigan na ang sasakyan ay ‘di hamak na mas maganda sa kotse ni Jack. Pinayuhan pa niya ito na huwag gamiting pamain o bait sa mga kababaihan ang kotse.

Loading…