Projected new COVID-19 cases posibleng mabawasan ng 50k-70k dahil sa pagpapairal ng MECQ

Imahe mula sa Xinhuanet
  • Sinabi ni UP Prof. Ranjit Rye na ang projection nila ay 220,000 COVID-19 cases sa end of August kung nasa GCQ pa rin ang Metro Manila
  • Dahil sa ipinairal na MECQ ay posibleng mabawasan ng hanggang 70,000 ang projected new cases ng COVID-19
  • Mas marami pa ang maliligtas sa impeksyon kung makikipagtulungan ang mga taumbayan sa pamahalaan

Isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang nagsabi na posibleng mabawasan ang COVID-19 cases sa bansa ng mula 50,000 hanggang 70,000 dahil sa muling pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Screenshot mula sa PTV video

Sa pakikipag-usap ni Presidential Spokesman Harry Roque sa dalawang professor mula sa UP OCTA Research team na si Prof. Ranjit Rye at Prof. Guido David, sinabi nila kung ano ang implikasyon ng MECQ.

Ani Prof. Rye, ang kanilang projection ay aabot sa 220,000 ang mga kaso ng impeksyon sa bansa sa end of August kung nasa general community quarantine pa rin ang mga nabanggit na lugar. Subalit dahil sa MECQ ay tinatayang 50,000 hanggang 70,000 ang mababawas sa projected COVID-19 cases.

Mas marami pang maililigtas sa COVID-19 kung ang taumbayan, pribadong sector at ang pamahalaan ay magtutulungan, ayon pa kay Prof. Ranjit Rye.

“Kung magtutulungan tayo, ang taumbayan, ang private sector at ang gobyerno, lalo na at mapaigting ang T3 (testing, tracing, treatment), mas mataas pa ang kasong mai-se-save natin. Malaki at maraming tao ang mase-save from COVID-19 lalo na ‘yung sa mortality,” aniya.

Imahe mula sa Xinhuanet

Sinabi pa ng professor na sa kasalukuyan ay nasa 1.5 ang transmission rate ng COVID-19, pero dahil sa istriktong protocols na ipinatutupad sa ilalim ng MECQ ay bababa ito sa 1.

“Ang case reproduction rate ngayon ay nasa 1.5, after 15 days into MECQ ang r-naught ay bababa sa 1. Magtulungan tayo para pababain pa ito,” paliwanag ni Prof. Rye.

Hinikayat niya ang publiko na sundin ang mga health protocols upang labanan ang COVID-19 tulad ng physical distancing, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at ang hindi paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan.

Imahe mula sa CNN PH

Loading…