Proud Mama! Jinkee Pacquaio ipinagmalaki ang rising rapper son na si Michael

  • Number 3 trending sa YouTube Channel ang bus performance ni Michael Pacquiao sa Wish 107. 5 na nagpapamalas ng kaniyang rapping skills
  • Inawit niya ang awiting “Hate” na isa sa mga soundtracks ng kaniyang debut album na “Dreams”
  • Proud Mama naman ang kaniyang inang si Jinkee Pacquiao

Labis na ipinagmamalaki ni Jinkee Pacquiao ang kanilang ikalawang panganay na lalaki ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao na si Michael matapos nitong ipamalas ang angking-husay sa rapping na napanood sa Wish 107.5, sa pag-awit niya ng awiting “Hate” na isa sa mga soundtracks ng kaniyang debut album na “Dreams.”

Makikita sa Instagram Story ni Jinkee nitong Biyernes, Agosto 7, 2020 ang kuhang larawan ng kaniyang anak na si Michael, na pinuri ng mga netizens sa kaniyang husay sa rapping skills.

Noong Hulyo, nagkaroon ng music collaboration si Michael kay South African rapper Michael Bars.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

“Shookt ako kay Michael Pacquiao! Ang galing naman!” ayon sa caption ni Jinkee para sa kaniyang anak na kamukhang-kamukha ng mister na Pambansang Kamao.

Maging ang mga netizens ay nagpaabot ng pagbati para sa rising rapper ng mga Pacquiao.

“Ang ganda ng beat! Congratulations! May talent naman pala,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow! Napaka-talented naman ng pamilya Pacquiao. Get it on! Ipakita ang talento sa lahat, huwag intindihin ang mga wala namang magagawa kundi manlait at bumatikos.”

“Galing-galing naman! Gumagawa siya ng sariling pangalan,” pagbati naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Can you imagine Manny Pacquaio entrance entourage with his son rapping for him? How great is that!!! We are now very excited just thinking about it! Please Manny make it happen!”

“I like his music on Spotify ever since I discovered it. And honestly I didn’t even know it was him until I checked the artist of the song. Not sure if he’s Manny’s kid so I searched his name. He is talented. I’m happy a lot recognizes his music now. There’s a lot more,” paghanga naman ng isa.

Public Domain Image

Ibinalita naman sa Twitter account ng Wish 107. 5 na umabot na sa 5 million views ang video performance ni Michael, at #3 trending sa YouTube channel.

“Rising rapper Michael Pacquiao’s Wish Bus rendition of ‘Hate’ now has over 5 million views!” saad sa caption ng Twitter post.

Panoorin ang Wish 107.5 bus performance ni Michael Pacquiao na #3 trending sa YouTube Channel:

Loading…